Vina Morales talks about her growing salon business

Vina Morales nagkuwento din tungkol sa reaksyon ng mga fans sa kanyang kontrabida role.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/9/2018 10:36 AM
Vina Morales talks about her growing salon business


 

Bukod sa pagiging acclaimed singer and actress, isa ring matagumpay na businesswoman Vina Morales. She owns the Ystilo salon na 20th year na ngayon sa salon business at meron na rin halos 20 branches all over the country.

Kasama ni Vina na nagmamay-ari ng Ystilo ang mga kapatid na sina Shaina, Sheryl at Sheila Magdayao.

“Karamihan franchise at most of our franchisees, may dalawa (branches) sila. Kapag may opening, talagang pinupuntahan ko talaga, nag-iikot ako,” simulang kuwento ni Vina sa pocket presscon na kanyang ipinatawag para 20th anniversary ng business.

Buong pagmamalaki ring nabanggit ni Vina na halos lahat ng staff nila ay matatagal na at yung iba ay umabot na rin ng 20 years.

“Sila yon,” sabay turo sa kanyang staff. “Matatagal na sila. Ako naman siyempre, ako ‘yung front, ako ‘yung sa marketing so it really helps a lot lalo na si Shaina nandiyan din. Pero mas hands on sina ate Sheila kasi sila talaga ‘yung behind to all of these,” say pa ng aktres.

Sa 20 years ng kanilang business ay hindi pa raw naman ito nasangkot sa gulo o napabalitang may customer na nagreklamo dahil may pagkakamali sa hair treatment.

“Oo nga, thank God walang mga ganu’n kalaking problema. Of course lahat naman ng business mayroong mga problema or mga pinagdadaanan and thankful kami na hindi umaabot sa mga big issues when it comes to services.

“At saka pag mayroong maliliit na problems naayos kaagad. Ang gumagawa no’n ‘yung (tao) sa Ystilo office,” paliwanag ni Vina.

Eh, ano bang mga problema ang kadalasang nae-encounter ng kanilang customers in their 20 years sa salon business?

“Siyempre hindi maiiwasang magkaroon ng allergies, even though tatanungin mo kung may alleriges (clients), sasabihin nila wala kasi hindi rin nila alam kung ano ba talaga. I think maybe on that day, medyo sensitive ‘yung scalp nila (pag nagpapakulay), ganu’n lang talaga, small problems naayos kaagad.

“Thankful talaga kami kasi marami kaming clients na pabalik-balik talaga,” kuwento ulit niya.

May pagkakataon rin daw na may mga clients na nagre-request na kung puwede ay siya ang mag-makeup sa kanila at ginagawa raw naman niya.

Ani Vina, “Yes, marunong talaga ako. Ako, I do my own make-up. Minsan, nandito ako (salon) tapos may client kami, nire-retouch ko, natutuwa naman sila.

“Pero gumagawa talaga ako. I do my own hair, I do my own make-up, marunong din akong mag gupit. Hindi ako nag-aral, I think natutunan ko na. Si Ate Sheila ang marunong talaga.”

Wala naman bang negatibong epekto ang pagiging kontrabida niya sa ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi? Vina is portraying the role of Celestina in the series.

“Alam mo, sa tagal ko na, wala naman. Sabi nila, ‘I hate you Celestina, I love you Vina,’ may mga ganu’n.

“Before, affected sila nu’ng una akong nagkontrabida, pero dahil kilala naman nila akong hindi ako ganu’n, wala naman.  Tagal na nila akong napapanood,” sambit pa niya.

Samantala, ayon pa kay Vina, dahil anniversary ng Ystilo kaya magbibigay sila ng malaking discount from September 8 to October 30 sa kanilang mga customers.