• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo, nilinaw ang ‘awayan isyu’ with ‘Abay Babes’ co-stars

Roxanne Barcelo, nilinaw ang ‘awayan isyu’ with ‘Abay Babes’ co-stars

Hindi din daw alam ng cast na buntis si Nathalie Hart noong shooting nila.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/9/2018 10:49 AM
Roxanne Barcelo, nilinaw ang ‘awayan isyu’ with ‘Abay Babes’ co-stars


 

Kay Direk Don Cuaresma namin nalaman during the presscon of Abay Babes na nagkaroon ng away between Roxanne Barcelo, Nathalie Hart, at Meg Imperial habang sinusyuting nila ang pelikula.

Pero kaagad namang nilinaw ni Roxanne ang tungkol dito.

“In fairness, okay kami. Bago kami nag-start, nakapag-workshop kami with Sweet John Lapus and then, talagang nakapag-usap din kami nang masinsinan na very, very light,” pahayag ni Roxanne.

“Naging professional kami and eventually, we all became—walang kiyeme, mamatey, mategi man—naging magkaibigan kami after,” dugtong pa ng sexy actress.

With regards naman sa kanyang personal life, ani Roxanne, wala pa rin daw siyang bagong karelasyon ngayon pagkatapos ng hiwalayan nila ni Will Devaughn.

“Parang ano po… nagpapahinga. I’m saving my time at inaaral ko muna ang konsepto ng self-love. I’m spending my time with my girlfriends (mga kaibigang babae),” rason niya.

Ayon pa sa kanya, first time din daw niyang nakahinga nang bongga kaya super ini-enjoy niya ang pagiging single.

“And nae-enjoy ko nang buo ‘yung trabaho, ‘yung panahon ko para sa pamilya ko, panahon ko with my friends and talagang I’m really ‘it’. Every moment that I’m in now, parang very much present.

“So, bet na bet ko ‘yung freedom and I can do anything. Parang I have my own time,” paliwanag ni Roxanne.

Bukod kina Roxanne, Meg at Nathalie ay kasama rin sa Abay Babes sina Cristine Reyes at Kylie Versoza.

Habang ginagawa ang Abay Babes ay walang nakakaalam na buntis na si Nathalie maliban kay Cristine. Maging ang direktor nilang si Don Cuaresma ay walang kaaalam-alam at kwento nga niya, pinagtu-two piece pa raw niya that time si Nathalie.

“Sabi niya, ‘Ay direk, ayoko na munang magpa-sexy dito sa scene na ‘to,’. ’Yon pala, buntis na siya, hindi niya sinasabi sa akin,” kwento ni Direk Don.

Wala namang diretsahang nagtanong kay Cristine sa isyu kung totoong hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi dahil bawal daw itanong. Sa simpleng tanong kung kumusta naman ang love life niya, ang sagot niya, “okay naman po, tahimik naman po ang buhay ko, maayos naman ang lahat.”

Hindi na rin nagpaunlak ng solo interview si Cristine pagkatapos ng presscon.

Palabas na ang Abay Babes sa September 19 mula sa Viva Films.