LOOK: Catriona Gray rumampa sa 2018 New York Fashion Week

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/9/2018 12:09 PM
LOOK: Catriona Gray rumampa sa 2018 New York Fashion Week


 

Hot topic ngayon sa social media ang naging pagrampa ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray sa 2018 New York Fashion week.

Kabilang si Catriona sa mga naimbitahan ng New York Fashion Week para rumampa sa latest collection by Sherri Hill.

Ang Sherri Hill ang isa sa mga official sponsors ng Miss Universe Organization.

Inabangan din noon ang naging pagrampa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa New York Fashion Week.

Read: Pia Wurtzbach, rumampa sa New York Fashion Week

Inaabangan na din ang nalalapit na laban ni Catriona sa Miss Universe pageant sa December 17 na gaganapin sa Bangkok, Thailand.