Cancer patient, malaki ang pasasalamat kay Inigo Pascual

Nagkaroon ng ibang kahulugan kay Inigo Pascual at fan niyang si Arnie Espina ang kantang "Dahil Sa 'Yo."

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/9/2018 11:30 AM
Cancer patient, malaki ang pasasalamat kay Inigo Pascual


Screenshot from: @inigopascual's video on Instagram

 

Hot topic kamakailan sa social media ang latest webisode ng Wanderjam ng Star Music kung saan naging special guest ng singer na si Migs Jaleco  si Iñigo Pascual.

Dito, binisita nila sa ospital ang 15 year old na si Arnie Espina, na isang Lukemia patient at avid fan ni Iñigo.

WATCH: Inigo Pascual in tears after visiting fan with cancer 

“Parang this gave me a sense of purpose why you are doing, what you are doing,” sabi ni Iñigo nang siya ay mainterview ng press tungkol dito.

Dahil sa kanilang pagkikita, labis na kasiyahan naman ang naramdaman ni Arnie at kahit na ilang sandali ay nakalimutan niya ang kanyang sakit.

“Sobrang saya ko po hindi ko takaga maintindihan tapos ayun niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit na parang ngayon lang nagkita sobrang saya ko po,” sabi naman ni Arnie sa naging panayam natin sa kanya sa kanilang tahanan sa Sta. Rosa Laguna.

Naiyak at nag-uumpaw ang kaligayahan ni Arnie ng makita niya ang kanyang Idol at kinantahan pa siya ng hit song nito na “Dahil Sa’Yo."

“Yun po yung time na feeling ko wala akong sakit (crying) iyung ang saya saya lang (crying) iyung time na yun parang wala, sa sibrang saya po, iyung time na yun nanghihina ako tapos dumating siya,” emosyonal na pahayag ni Arnie.

Hindi naman inakala ni Iñigo na ibang kahulugan ng kanta ang naging epekto nito para sa kanyang fan.

“When we sang together yung 'Dahil Sa’Yo,' the song kind of had a different meaning, di ko inisip na ganun yung meaning niya dati, parang woah this is why I like to do music,” sabi pa ni Iñigo.

Kapwa positibo ang naging experience ni Arnie at Iñigo sa kanilang naging pagkikita na hindi nila makakalimutan.

“Sometimes it’s good to see them in person the people that youre able to have an effect on kasi di mo naisip minsan na ganun ang effect mo sa ibang tao you were able to make them feel positive,” sabi pa ni Iñigo.

Labis naman ang naging pasasalamat ni  Arnie sa kanyang Idol at pamilya na nag aaruga sa kanya.

“Thank you kasi nandyan sila na sumusuporta sa akin tuwing nanghihina ako inaalalayan nila ako yung kahit minsan ako na lang mag asikaso sa sarili ko ayoko sila istorbohin pero di sila umaalis sa tabi ko nagsasabi na lalaban ka wag ka susuko ayun po lumalaban ako para sa kanila,” maluha-luhang sabi ni Arnie.

Buo ang loob ni Arnie na labanan ang kanyang sakit na leukemia, aniya pangarap niya na maging isang doktor.

Malaki ang papasalamat ni Arnie kay Iñigo na nauna nang nagbigay tulong at inspirasyon sa kanya. 

Nakiusap ang din ang nanay ni Arnie na si Solita Espina sa may mabubuting loob na tulungan ang kanyang anak.

Tatagal pa ng isang taon ang gamutan sa karamdaman ni Arnie.