• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano kaya ang puwedeng maging trabaho ng mga Star Hunt hosts kung hindi sila nag-artista?

Ano kaya ang puwedeng maging trabaho ng mga Star Hunt hosts kung hindi sila nag-artista?

Ano kaya kung hindi pumasok ng showbiz sina Melai Cantiveros, Alex Gonzaga, Kim Chiu, at Robi Domingo?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/8/2018 12:22 PM
Ano kaya ang puwedeng maging trabaho ng mga Star Hunt hosts kung hindi sila nag-artista?


 

Sa press conference ng bago at pinakamalaking audition event ng ABS-CBN na Star Hunt, nagpaka-totoong sumagot ang mga hosts na sina Melai Cantiveros, Alex Gonzaga, Kim Chiu, at Robi Domingo nang tinanong kung ano ang buhay nila kung hindi sila mga artista ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Star Hunt Media Conference, with hosts Robi Domingo, Kim Chiu, Alex Gonzaga, and Melai Cantiveros. #StarHuntMediaCon

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Unang sumagot si Melai na nagsabing maaaring nakapangasawa na siya ng Amerikano dahil uso daw iyon sa kanila noon. “Ako siguro, naka-asawa na ako ng Amerikano. Feeling ko lang ha, kasi parang ganito daw yung beauty (na gusto) ng mga Amerikano.

“Kasi sa Gensan (Davao), (nakikipag) chat chat sa mga Amerikano, di ba ganon yun. Tapos may mga negosyo-negosyo ako na char-char, pero galing sa Amerikano,” nakakatawang dagdag ni Melai.

 

Ayon naman kay Kim Chiu, gusto niyang maging teller sa bangko dahil gusto niyang magbilang ng pera ng ibang tao. “Ako, gusto kong maging teller sa bangko. Gusto kong magbilang ng pera ng iba. Para isipin kong akin yun.

“Gusto ko po talaga yun, yung normal lang na work na 9 to 5, tapos Monday to Friday, simple lang. Magbibilang ng ilang one thousand, five hundred. Tas didilaan mo lang kamay mo,” sabi ni Kim.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bukas na, Kapamilya! Panoorin ang premiere ng Star Hunt: The Grand Audition Show kasama si Kim Chiu! #StarHuntTVAugust20

A post shared by Starhunt (@starhuntabscbn) on

 

Samantala, sabi nila Alex at Robi maaaring pinagpatuloy nila ang mga propesyon mula sa kurso nila sa college, si Alex bilang isang teacher at Robi bilang isang doktor sa mata o ophthalmologist.

Mapapanuod ang Star Hunt Lunes hanggang Biyernes alas-singko ng hapon sa ABS-CBN.