• Home
  • Fresh Scoops
  • Ritz Azul ikinuwento ang panginginig ng katawan ni Pepe Herrera sa kanilang intimate scenes sa ‘The Hopeful Romantic’

Ritz Azul ikinuwento ang panginginig ng katawan ni Pepe Herrera sa kanilang intimate scenes sa ‘The Hopeful Romantic’

Ayon kay Ritz Azul, kinabahan daw si Pepe Herrera sa paggawa ng kanilang intimate scenes.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/7/2018 10:23 AM
Ritz Azul ikinuwento ang panginginig ng katawan ni Pepe Herrera sa kanilang intimate scenes sa ‘The Hopeful Romantic’


 

Natatawang ikinuwento ni Ritz Azul ang experience niya working with fellow Star Magic artist na si Pepe Herrera sa pelikulang The Hopeful Romantic ng Regal Entertainment particular na raw sa kanilang mga intimate scenes.

“Si Pepe sobrang professional. Doon nga sa bed scene namin, sobrang professional niya. Nung una, kinabahan pa siya. Sobrang nanginginig siya kasi first din niya sa movie, sa ganung scene.

“Talagang yung kamay niya makikita mong visible talaga yung nginig. Tapos sabi ko, ‘huwag kang kabahan, okey lang ito.’ Sobrang iniisip niya rin kung papaano mapapaganda yung eksena, ganun,” kuwento ni Ritz sa ilang entertainment press.

Dagdag pa ni Ritz, ramdam na ramdam niya kapag inaatake na ng nerbyos ang leading man sa The Hopeful Romantic.

Aniya, “Kasi si Pepe kapag ninenerbyos, lumalabas yon sa kahit anong eksena. Actually, halos sa lahat ng mga eksena naming dalawa nanginginig siya. Parang lahat ng energy niya lumalabas sa kamay.

“So nakita ko yon sa isang eksenang sobrang simple lang, pero ganun. Tapos itong bed scene, meron ganun din. Sabi ko, ‘relax, inhale, exhale. Tapos nandiyan naman si Direk Topel (Lee), maaayos niya yan.’”

Sa Regal Entertainment movie ay ginagampanan ay ginagampanan ni Pepe ang role ni Jess na wala pang karanasan sa sex. Si Ritz naman ay ang babaing aggressive at marami ng karanasan sa sex.

Eh, paano niya epektibong napo-portray ang pagiging good kisser sa movie considering na no boyfriend since birth siya?

“Ako, aaminin ko nung una sobrang nahirapan ako. First kiss ko si Derek Ramsay, pero hindi pa siya yung kiss na sobrang ano, smack lang. Sobrang nanginig pa ako sa takot noon. Naka-7 takes ata ako non.

“Siyempre humihingi ako ng suporta sa kapartner ko. Open ako na siyempre wala pa akong experience sa ganito, ikaw na ang bahala sa akin, ganyan. So nagdadalahan po kami. Pero itong lately, medyo natututo-tuto na ako sa mga nakatrabaho ko,” lahad pa niya.

Matagal na palang gusto ni Ritz na makapartner ang isang komedyante.

“Ako, natutuwa ako kasi matagal ko nang pangarap talagang magkaroon ng kapartner na komedyante. Sabi ko nga noon, gusto ko si Empoy o kaya si Ryan Bang,” she said.

Samantala, masaya ang dalawang bida ng pelikula na milyun-milyon na ang views ng trailer ng kanilang pelikula sa social media.

Sey ni Ritz, “Nakakataba po ng puso na nagkaroon sila ng time na panoorin yung trailer ng The Hopeful Romantic at nagkainteres sila. At sana rin panoorin nila sa big screen yung buong istorya. Yung ganun po malaking bagay na sa amin.”

Ayon naman kay Pepe, “Mukhang marami pong nakaka-relate base po do’n sa comments.”

Palabas na ang The Hopeful Romantic sa September 12.