• Home
  • Fresh Scoops
  • Nathalie Hart napaluha nang pagusapan ang bagong karera niya bilang ina

Nathalie Hart napaluha nang pagusapan ang bagong karera niya bilang ina

Thankful din ang aktres sa suporta ng kanyang future husband.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/7/2018 3:21 PM
Nathalie Hart napaluha nang pagusapan ang bagong karera niya bilang ina


 

Hindi napigilan na maging emosyonal ng sexy actress na si Nathalie Hart habang ikinukuwento ang patuloy na pagbuhos ng blessing sa kanyang buhay ngayon.

Six months pregnant ngayon ang aktres sa kanyang Indian national boyfriend. Inanunsyo niya ang kanyang pagdadalang tao last July. 

Read: Nathalie Hart ibinalitang siya ay 4 months pregnant 

Dala ng halo-halong emosyon, bumuhos ang luha ni Nathalie nang mapag-usapan ang kanyang pagbubuntis at nalalapit na civil wedding ngayong Disyembre.

“I get so emotional, parang nagkasabay-sabay lahat and then I’m working too, parang it’s just hard ... I’m just overwhelmed,” umiiyak niyang pahayag sa grand media launch ng movie na Abay Babes nitong Huwebes.

“I’m happy, but it’s just like pwede bang isa-isa lang muna? Ang nangyari kasi parang nag kasabay-sabay,” ani Nathalie.

Thankful din ang aktres sa suporta sa kanya ng kanyang pamilya at ng kanyang fiancé.

“I’m happy kasi I have a great guy, with me, he’s so good and very positive, he supports me everything, so doon palang swerte na ako,” pahayag pa niya.

Matapos ang premier ng Abay Babes ngayong September 19, plano muna mag-break ng aktres sa showbiz para bigyang oras ang kanyang magiging pamilya.