• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Katrina Halili, inaming parang true-to-life ang role sa pelikula ng ToFarm Film Festival

EXCLUSIVE: Katrina Halili, inaming parang true-to-life ang role sa pelikula ng ToFarm Film Festival

Katrina Halili, inaming single pa rin ilang taong matapos ang hiwalayan nila ni Kris Lawrence.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/7/2018 10:18 AM
EXCLUSIVE: Katrina Halili, inaming parang true-to-life ang role sa pelikula ng ToFarm Film Festival


Photo credit: @ katrina_halili on IG

 

Natagalan bago ulit magbida sa pelikula si Katrina Halili. Sa pagtantya ng aktres, 10 years nung huli pa siyang nakagawa ng pelikula na siya talaga ang bida.

“Actually, 2008 pa yung dati. Wala naman kasing masyadong… may mga offers naman before, may mga ginawa naman ako before pero ito yung lead talaga.

“Hindi ako naka-hindi kasi maganda yung story niya. Kakaiba. Hindi ko pa siya nagagawa,” pahayag ni Katrina.

Si Katrina ay bida sa pelikulang Mga Anak Ng Kamote na isa sa entry sa 3rd ToFarm Film Festival na magsisimula na sa September 10, 2018.

Inamin din ni Katrina na malapit sa totoo niyang personalidad ang role na ginampanan niya sa Mga Anak Ng Kamote.

“Yung role ko kasi, ano siya, mas mahirap siyang gawin kasi yung struggle niya internal. Mas madali kasing magalit kapag sumisigaw ka or ipapakita mo.

“Ito kasing role ko, sa loob, eh. Mas masakit. Ano kasi siya, eh, makimkim. Hindi masalita, tahimik lang. Parang ako rin, may pagka-ganun.

“Ganun din ako, eh. Hindi rin ako masalita. Makimkim ako, matago,” paliwanag ni Katrina.

Single parent si Katrina sa six-year-old girl na si Katie na anak niya sa singer na si Kris Lawrence.

Paano na ang mother duties niya kapag may taping at shooting siya?

“Ang ginawa ko po, tumatawag talaga ako sa mama ko na sunduin yung anak ko o kay Kris (Lawrence). Hindi naman puwedeng wala lang ako, di ba? Yung mama ko sinusundo naman niya, do’n natutulog sa kanya.

“Tapos pag sobrang busy talaga ako, sinasabi ko kay Kris na, ‘Uy, puntahan mo naman si Katie kasi hindi na ako makakauwi.’ Ihahatid naman niya sa bahay.

“Ever since naman po sanay siyang ganun yung set-up namin, na dumadalaw lang talaga si Kris. And nasanay na rin siya na minsan sa gabi hindi ako nakakauwi.

“Nasanay na rin siya na minsan hindi na ako nakakauwi kasi may taping ako at minsan natutulog na ako sa taping. Minsan kasi sinama ko na rin siya, eh, kaya nakita niya natutulog talaga ako sa set,” kuwento ng aktres.

Hanggang ngayon daw ay wala pa rin naman siyang nakikitang kapalit ni Kris.

“Ay wala po. Busy din po, eh. Ayoko rin naman pong tumandang dalaga na single. Pag meron namang dumating, open naman ako.”

So, paano na lang ang mga malalamig na gabi na wala siyang katabi?

“Eh, di malamig siya. Hindi naman ako naghahanap ng katabi, wala namang ganun. Pag malamig, eh, di nagko-comforter ako.

“Tsaka gusto ko tinotodo ko pa lalo yung aircon. Nakakatulog ako. Niyayakap ko yung baby ko. Ang sarap kaya ng may baby,” kuwela niyang sagot sa amin.

Samantala, kasama ni Katrina sa pelikulang Mga Anak Ng Kamote sina Kiko Matos at Alex Medina. The movie is directed by Carlo Enciso Catu and written by John Carlo Pacala.