• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino, sumagot sa isyung nakarelasyon niya si Bela Padilla

Carlo Aquino, sumagot sa isyung nakarelasyon niya si Bela Padilla

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/7/2018 6:41 PM
Carlo Aquino, sumagot sa isyung nakarelasyon niya si Bela Padilla


Photo credit: @carloholix_official (R) @bela (L) IG

Naging matunog ang isyung may namagitan kina Carlo Aquino at Bela Padilla nang namataan silang namamasyal sa Siargao. Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Meet Me in St. Gallen at sa panayam ng Push Now Na, mariing itinanggi ng aktor ang isyung ito.

“Nung nag-Siargao kami kasama namin si Maris [Racal] na kaibigan ko rin, mahal na mahal ko… Hindi [nag-next level], friendship level pero wala, wala talaga,” aniya.

Sa kasalukuyan, bida naman ngayon sa pelikulang Exes Baggage si Carlo kasama ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Kanya namang kinumpirma na may love scene sila at naging ‘komportable’ naman daw sila sa isa’t isa.

May posibilidad nga kayang magkabalikan pa sila?

“Ayaw kong [pangunahan] kasi gumagawa kami ng pelikula baka alam mo naman ‘yung mga tao ang daming sasabihin, ‘Sus nagpo-promo lang yang mga yan.’ Kung ano ‘yung mangyayari, mangyayari.”

Dagdag pa niya, espesyal si Angelica para sa kanya.