Ano na ba ang estado ng buhay may-asawa ni Cristine Reyes?

Walang detalye na binigay ang aktres sa napapabalitang hiwalayan nila ni Ali Khatibi.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/7/2018 4:53 PM
Ano na ba ang estado ng buhay may-asawa ni Cristine Reyes?


 

“Oo naman.” Yan ang matipid na sagot ng aktres na si Cristine Reyes sa tanong kung naniniwala pa siya sa kasal sa media conference kagabi (September 6) ng pelikulang Abay Babes ng Viva Films. 

Isa si Cristine sa mga bida ng pelikula kasama sina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa at Nathalie Hart, na mapapanuod sa mga sinehan simula September 19.

Kasalan ang tema ng pelikula at hindi naiwasan na maging tanong sa aktres ang kanyang saloobin kung naniniwala pa ba siya sa dito.

Kailan lang kasi ay naging laman ng mga balita si Cristine Reyes at asawa na si Ali Khatibi nang mapabalita na sila ay nagkahiwalay na.

Iwas din sa pagbibigay ng iba pang detalye sa kanyang personal na buhay ang aktres. Sinabi niya na ayos lang ang kanyang love life at tahimik naman ito. 

Sa ngayon, wala pa din kompirmasyon kung may katotohanan nga ba ang mga balitang hiwalayan umano nila ni Ali.

January 2016 nang ikasal ang dalawa sa private ceremony sa isla ng Balesin at may isang anak na nag ngangalang Amarah.