• Home
  • Fresh Scoops
  • Lovi Poe, nag-react sa isyung retokada, playgirl at gold digger siya.

Lovi Poe, nag-react sa isyung retokada, playgirl at gold digger siya.

Sinagot ni Lovi Poe ang mga akusasyon tungkol sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/6/2018 9:49 AM
Lovi Poe, nag-react sa isyung retokada, playgirl at gold digger siya.


Photo credit: @lovipoe on IG

 

Nag-react si Lovi Poe sa akusasyon ng netizens sa kanya na isa siyang retokada beauty. Ang iba naman ay tinatawag siyang playgirl at gold digger.

Paglilinaw niya, “Zero retoke ako.”

Dagdag pa ng aktres, mahilig siyang kumain noon ng chips kaya lagi siyang bloated. Pero ngayon ay alam na raw niya kung paano alagaan ang sarili kaya medyo nagkaroon na raw ng changes sa kanyang physical appearace.

Malaking tulong din daw sa kanya ang madalas na pagwo-workout.

“So you don’t have to have so much hate for people who have transformed into someone who tried to improve themselves,” mensahe pa ni Lovi sa kanyang bashers.

Sa nag-aakusa naman na isa siyang playgirl, sey ng dalaga,“I am not a playgirl.”

Hirit pa niya, “ito lang ang masasabi ko, they always say that, ‘why do you have different boyfriends?’ Parang, ‘why do you jump from one relationship to another?’

“Alangan namang I stay in a relationship that I'm not happy with. First of all, whatever makes me happy will make me happy. So, I have no one else to please but myself because I’m the one who’s going to be in that relationship,” mataray niyang pahayag.

Iba naman ang dipensa ni Lovi sa isyung isa siyang gold digger.

“First of all, all my life I have worked hard to get where I am. I am an independent woman, I've been working since I was 15 or 16 years old until now.

“’Goal digger’ ako, hindi ‘gold digger.’”