• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla, itinangging nagkabalikan na sila ni Jodi Sta. Maria

Jolo Revilla, itinangging nagkabalikan na sila ni Jodi Sta. Maria

Gusto ni Jolo Revilla na maging private ang kanyang personal life sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/6/2018 9:56 AM
Jolo Revilla, itinangging nagkabalikan na sila ni Jodi Sta. Maria


Photo credit: @jodistamaria on IG (R)

 

Itinanggi ng aktor at vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla ang balitang nagkabalikan na sila ni Jodi Sta. Maria.

“Hindi. Hindi. Hindi.” Ang sagot ni Jolo kung okey na ba ulit ang relasyon nila ni Jodi. Ganito rin ang sagot niya sa hirit naman ni Lolit Solis na malapit na silang magkabalikan ng aktres.

Nakiusap si Jolo na huwag nang masyadong pag-usapan ang tungkol sa personal life niya. Baka raw kasi maakusuhan pa siya na ginagamit ang isyu.

Aniya, “I’d like to remain private, yung private life ko. Ibalato n’yo na sa akin yon. Basta malaki yung respeto ko sa kanya at sa pamilya niya. I’m single.”

Humarap si Jolo sa ilang members ng entertainment media para sa pocket presscon ng Tres, isang trilogy movie ng Imus Productions na ire-release ng Star Cinema at showing na sa October 3.

Bida si Jolo sa istorya ng 72 Hours na idinirek ni Dondon Santos. Si Brian Revilla naman sa Virgo at si Luigi Revilla sa Amats.

Ayon pa sa actor-politician, hindi sumagi sa isip niya ang maghanap ng bagong girlfriend na ipapalit kay Jodi kahit single siya.

“Masasabi ko naman ‘yun nang buong puso. Na wala akong…

“Kasi unang-una, may pinagsamahan naman kami. Hindi naman nawalala ‘yun. Kasi ang tagal nga namin, eh, di ba? Eight years is eight years,” esplika niya.

Mahal pa ba niya ang aktres?

Seryosong sagot ni Jolo, “hindi naman kaagad mawawala yun dahil sa lalim naman naman ng pinagsamahan namin.”

Nabanggit din ni Jolo na ikinonsider niya na maging leading lady si Jodi sa 72 Hours kaya lang hindi raw ito pumuwede.

“Eh, may conflict sa schedules niya kaya hindi siya puwede at si Rhian (Ramos) ang nakuha namin,” sey pa niya.

May surprise role din daw ang ex-girlfriend niyang si Lovi Poe sa movie.

“Surprise ang role ni Lovi. Ako mismo ang kumausap sa kanya para maging guest sa movie. Magkaibigan pa rin kaming dalawa,” sambit uli ng actor-politician.

Ang muling pagbuhay ng Imus Productions ay idea pala mismo ni dating senador Bong Revilla na ama ng magkakapatid na Jolo, Brian at Luigi.

“This film is his idea. Ginawa namin ito para sa kanya at higit sa lahat sa mamamayang Pilipino. Pinaghirapan namin ito.

“Bilang anak, we love him very much. Siguro, wala na kaming mahihiling pa dahil binigay na niya sa amin ang lahat. ’Yung pinakamahalagang naibigay niya sa amin, eh, ’yung pangalan niya. Kumbaga, ’yung royalty,” pahayag pa ni Jolo.