• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang reaksyon ni Karla Estrada sa naging pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Ano ang reaksyon ni Karla Estrada sa naging pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Proud daw si Karla Estrada sa pagiging gentleman ng anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/6/2018 10:32 AM
Ano ang reaksyon ni Karla Estrada sa naging pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?


 

Hindi daw ikinagulat ni Karla Estrada ang naging pag-amin ng anak na Daniel Padilla sa tunay na estado ng relasyon nito kay Kathryn Bernardo.

 

Matatandaan na pinag-usapan kamakailan ang naging pag-amin ni Daniel sa relasyon nila ni Kathryn na limang taon na daw ngayong taon.

“Yung pag-amin na yun talaga, nanggagaling yun sa lalaki and I can say na gentleman yung anak ko, buo ang loob, yun lang,” bungad ni Karla  sa press.

Aniya, bilang isang ina, tiwala na siya na kaya na ng kanyang anak ang panindigan ang magiging desisyon nito sa kanyng buhay.

“I think normal lang na tinanong yun sa kanya. Walang plano kasi na pag-usapan pa yun o ano pa man and naiintidahan din naman ni Daniel na wala siyang obligasyon na sabihin yun. Personal niyang buhay yun e, since gusto niyang maging okay na, e di okay na,” sabi pa ni Karla.

Bilang isang ina, aminado din si Karla na iniyakan din niya minsan ang unti-unting pagsunod ng desisyon ng kanyang mga anak.

“Hindi ako ma -teary-eyed e, baha ako pag umiyak pero minsan pag mag-isa lang ako. I think pag umiiyak ako alone talaga, and nadadagdagan yung pagiging strong person ko,” pahayag pa ng Magandang Buhay host.