• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto, naiyak nang maalala ang body shaming na natanggap

Angeline Quinto, naiyak nang maalala ang body shaming na natanggap

Angeline Quinto: ‘Hindi imposibleng ibigay ng Diyos yun.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/6/2018 8:24 AM
Angeline Quinto, naiyak nang maalala ang body shaming na natanggap


 

Hindi napigilang maiyak ni Angeline Quinto nang maalala ang body shaming na natanggap at pagkumpara sa kanya noon kay Sarah Geronimo.

“Siguro dapat kong marinig yun kasi napatunayan ko sa sarili ko na hangga’t alam mo sa sarili mo yung gusto mong marating,” aniya sa naganap na media conference ng “Limitless” concert ngayong September 7 sa Metrotent, Pasig.

Dagdag pa niya, “Basta buo yung puso mo para dun hindi imposibleng ibigay ng Diyos yun.”

Naging emosyonal din si Angeline nang balikan ang mga pinagdaan noong nagsisimula pa lang siya sa music industry.

“Alam niyo po, yung “Star Power” po talaga ang contest na ibinigay ko sa sarili ko na last na contest na sasalihan ko,” sabi ni Angeline sa press.

Matatandaan na 2011 si Angeline ang itinanghal na unang grand winner ng “Star Power” talent search na pinangungunahan ni Sharon Cuneta.

“Kasi sabi ko ‘kung di talaga ako manalo dito, talagang ang singing ay hindi po talaga para sa akin,” sabi pa niya.

Bukod a upcoming concert, isang pelikula din ang pagbibidahan  ni Angeline, ang “Kung Paano Ako Naging Leading Lady” na hango sa isang stage play.