• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada ibinahagi ang planong celebration ng kanyang pamilya para sa tagumpay ng “The Hows of Us”

Karla Estrada ibinahagi ang planong celebration ng kanyang pamilya para sa tagumpay ng “The Hows of Us”

Very proud si Karla sa accomplishment ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ka-love team nitong si Kathryn Bernardo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/5/2018 2:26 PM
Karla Estrada ibinahagi ang planong celebration ng kanyang pamilya para sa tagumpay ng “The Hows of Us”


 

Proud mother ngayon si Karla Estrada para sa naging tagumpay ng “The Hows of Us” kung saan ay bida ang kanyang anak na si Daniel Padilla at girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa special appearance ni Karla sa Daranna Essential Oil launch, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan para sa tagumpay ng anak na si Daniel.

“Wala akong words na pwede i-describe doon sa nangyayari para sa anak ko, siguro it’s more on ang ganda ng istorya and nagampanan naman lahat ng artista sa The Hows of Us yung kanilang mga karakter ng magagaling,” bungad ni Karla.

Ayon pa kay Queen Mother, labis na na-miss ng mga tao ang makapanuod ng dekalibreng pelikula.

“I think na miss ng mga tao na makapanud ng ganitong kagagandang pelikula, yun lang naman yung formula na hinahanap natin kasi minsan hindi sa dahil sikat ang artista e,ako kasi naniniwala ako na sa story ng pelikula,” saad pa ni Karla.

Kahit na pumalo sa takilya ang The Hows of Us, sa isang simpleng celebration lang gusto ipagdiwang ni Karla ang naging success ng anak.

“Wala pa, normally sa akin naman dumadaan lahat ng ‘yun... charot! (laughs) Hindi pa kami nakapag celebrate, normally ang ginagawa ko pag ganyan nagpapamisa ako, thanksgiving talaga,” pahayag pa ni Karla 

Sa ngayon, patuloy padin ang pag tabo sa takilya ng The Hows of Us na mapapanuod  pa rin in 405 cinemas nationwide.