• Home
  • Fresh Scoops
  • Pepe Herrera on comparison with Empoy Marquez: ‘Honored po siyempre’

Pepe Herrera on comparison with Empoy Marquez: ‘Honored po siyempre’

Ayon kay Pepe Herrera, hindi naman siya nakikipag-kompetensiya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/4/2018 9:09 AM
Pepe Herrera on comparison with Empoy Marquez: ‘Honored po siyempre’


Bida na sa pelikula ang singer-stage actor at Star Magic artist na si Pepe Herrera. Siya ang leading man ni Ritz Azul sa pelikula ng Regal Entertainment na The Hopeful Romantic na ipapalabas on September 12.

Thanks to Empoy Marquez dahil after maging blockbuster ang pelikula niya (with Alessandra de Rossi) na Kita Kita ay nabibigyan na rin ng pagkakataon sa pelikula ang mga tinatawag na “funny is the next pogi.”

Ano ang reaksyon niya ngayong ikinukumpara siya kay Empoy?

“Honored po siyempre, kasi Empoy na ‘yan. Saka si Empoy po talaga nakakatawa kapag kasama namin. Walang dull moment,” mabilis na sagot ni Pepe.

Dugtong pa ng aktor, “Honestly speaking po, hindi po kasi ako competitive, eh. Saka magkakaibigan po kami nina Empoy, eh. Para po kaming isang tribo.

“Siguro po ang pananaw ko diyan, hindi ko po yon nakikita, yung kung sino ang susunod kanino. When I’m doing a project, focus lang po ako sa beauty ng story. Ang importante po sa akin as an actor mapalitaw yung story ng mga characters na ginawa po ng mga writers.”

Para kay Pepe, may dahilan daw kung bakit “in” ngayon sa movies ang mga kagaya nila ni Empoy na hindi matatawag na “typical leading men.”

“Kasi ang ibig sabihin po no’n para sa akin, mas lumalawak po ang pang-unawa ng mga manonood. Mas tumatalino yung taste ng audience,” reaksyon pa niya.

Na-imagine ba niya na at his age now ay magiging bida pa siya sa pelikula katulad ng nangyari sa kanya sa The Hopeful Romantic?

“Honestly, hindi ko po ini-expect,” deklara niya.

“Kasi nagsimula po ako na mang-aawit lang, eh. Ang mga pinapangarap ko no’n yung kumakanta ako sa stage with a band, tapos kumakanta yung audience kasabay ko.

“Tapos kusa na po kasing tumawid sa acting ito pong career ko, so parang it’s a beautiful surprise,” sambit pa niya.

At bilang bida ng The Hopeful Romantic, hindi rin daw maiwasan na makaramdam sila ng pressure ni Ritz dahil sa kanila nakasasalalaya ng magiging resulta ng pelikula.

“Feeling ko po kasi ang pressure ay normal part of life. Kung kaya nating tawanan na lang, eh, ‘di tawanan na lang. Yes, it’s pressure and I feel it and we’re saying ‘hi’ to it.

“Saka stay hopeful lang parati and faithful na magiging maganda. Kasi, so far po, thankful kami sa magandang response sa trailer palang at ma-carry over po ‘yun sa full length film,” rason pa niya.