Mystica, mapapanuod na nga ba sa ‘Ang Probinsyano’?

Tigil muna daw sa pagtitinda ng fried chicken si Mystica.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/4/2018 12:15 PM
Mystica, mapapanuod na nga ba sa ‘Ang Probinsyano’?


 

Tigil muna daw sa pagtitinda ng fried chicken ang ‘90s Split Queen na si Mystica sa kanyang tahanan sa General Trias, Cavite.

 

Kasunod ito ng tila isang sagot sa naging panawagan ng dating sexy performer kay Coco Martin na muli siyang makabalik sa showbiz sa tulong ng Ang Probinsyano.

Read: 'Split Queen' na si Mystica, nanawagan kay Coco Martin para tulungan siya

“Hindi po muna available ang fried chicken ko para mabigyan ko naman po muna ang sarili ko ng pahinga habang pinaghahandaan ko ang pagbabalik ng along showbiz career,” pahayag ni Mystica sa kanyang post.

Matatandaan na kamakailan naging usap-usapan sa social media ang dating sexy performer matapos mag-viral ang kanyang paghingi ng tulong na makabalik sa showbiz.

Sa huling panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Mystica, inamin nito na sa pagtitinda ng fried chicken niya kinukuha ang pang araw-araw na gastusin

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan mapapanuod si Mystica sa Kapamilya series.