• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga, sasabak sa isang sexy role sa kanyang bagong teleserye

Diego Loyzaga, sasabak sa isang sexy role sa kanyang bagong teleserye

Papanindigan na lang din ni Diego Loyzaga ang kanyang bad boy image.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/4/2018 9:16 AM
Diego Loyzaga, sasabak sa isang sexy role sa kanyang bagong teleserye


Photo credit: @diegoloyzaga IG

 

Naghahanda ngayon si Diego Loyzaga para sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN mula sa RSB unit ni Direk Ruel Bayani. Ayon kay Diego, first time niyang sasabak sa isang sensual teleserye na ala-Pasion de Amor ang concept.

“Kailangan kong magpaganda ng katawan kasi nakakahiya sa mga kasama ko sa show. Puro kasi kami topless dito ng mga boys,” patikim niyang pahayag.

Makakasama ni Diego sa serye na may working title na Los Bastardos sina Jake Cuenca, Albie Casino, at Marco Gumabao.

Ibang Diego raw ang makikita ng televiewers sa Los Bastardos kaya kailangang tutukan ang kanyang itsura.

“Dapat kasi maging believable ako kasi patatandain ako dito. Nagpapatubo ako ng balbas para magmukha akong nasa 30s,” sey ng binata.

From the word “bastardo” na ang ibig sabihin ay anak sa labas, aminado ang binata na medyo na naka-relate siya ng konti sa role na gagampanan.

Aniya, “Somehow, oo. Hindi man naging asawa ng tatay (Cesar Montano) ko si nanay (Teresa Loyzaga) ko, pero naging sila naman. Mahirap ikumpara yung sa totoong buhay ko, pero nakaka-relate ako.”

Dahil sexy ang tema ng bagong teleserye kaya obligado talaga si Diego na magpaganda ng katawan.

“Concerned ako sa katawan ko, pero hindi talaga ako yung... But now, kailangan kong humabol kasi nakakahiya naman kina Jake Cuenca, Albie (Casino), di ba?” sabay tawa niya.

May pagka-bad boy din daw siya sa bagong role na ayon sa kanya ay hindi na masyadong mahirap i-portray dahil sa personal life niya ay ganun na rin daw ang tingin sa kanya ng publiko.

“Ako, kahit di ko naman sinasadya, meron na akong bad image. Whether I like it or not, ganun na ang tingin ng tao sa akin, so panindigan ko na lang.

“Kung puro bad boy, bad boy image na ako sa mata ng mga tao, eh, gampanan ko na lang yung karakter na bad boy, di ba? Tingnan natin kung talagang bad boy ba talaga ako,” pahayag pa niya.

Patuloy ni Diego, “Na-imbibe ko na nga yung karakter ko, eh. Pag tumitingin yung mga tao sa akin, hindi ako ngumingiti. And sometimes its get better just become your character all the time. Although lots of people will say that’s wrong, mali rin naman talaga.”

When asked kung bakit palagi siyang nasasangkot sa mga negatibong isyu, aniya hindi niya rin daw alam.

“To be honest, I really don’t know. It’s how they want to interpret whatever I say,” reaksyon niya.

Kuwento pa niya, “Yung nangyari sa Grab, may follow up ba? Wala? Pero lahat ng tao nanghusga kaagad. Asan yung kaso? Wala namang kaso. Kung may damage talaga akong ginawa, dapat kinasuhan ako, pero nasaan?

“Kaya lang, yon nga, napangunahan na ng ibang tao. Hinusgahan na ako, damay pa ang mommy ko.

“Hindi nga ako ang nag-react, eh. Si mama nga yung sumagot ng telepono, di ba? Lahat ng tao ang sabi, ‘tingnan mo si Diego, nagtatago sa palda ng mommy niya.’

“Kasi kung may mali ako, sasabihin ko naman talaga na may mali ako. But if that’s the way they want to see me, then I can be the bad guy they want me to,” paliwanag ni Diego.