Beauty Gonzales, handa na sa pagbabalik showbiz

Nagpapasalamat si Beauty sa ABS-CBN sa kanyang second chance sa showbiz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/4/2018 7:53 PM
Beauty Gonzales, handa na sa pagbabalik showbiz


 

Sa episode ng Magandang Buhay, September 4, ibinahagi ng former Pinoy Big Brother housemate na si Beauty Gonzales ang nararamdaman sa kanyang pagbabalik showbiz.

 

 

Nitong Agosto lang ay pumirma ng exclusive network contract ni Beauty sa Kapamilya network. Ayon sa kanya, halos 10 years niya itong hinintay.

I have no regrets kasi parang feeling ko na I’ve worked my way to top then dahan-dahan (and) surely. And now na nagkaroon ako ng kontrata, I’m ready as a person sa maturity ko and everything. So I was just in the perfect time,” sabi ni Beauty.

Inamin din niya na minsan siyang nag-alala sa kanyang career noong nalamang buntis siya.

You know, parang ‘Paano ba ako, makapasok (ba ako sa showbiz) ulit?’ Parang, ‘O my God, nabuntis pa ako sa gitna ng show. Ending na talaga.’ ‘Di ko talaga alam pa’no ako makabalik. I don’t know, suddenly bigla na lang may tumawag sa ‘kin,” paliwanag ng aktres.

Dagdag niya, lubos ang kaniyang pasasalamat sa second chance na ibinigay ng ABS-CBN, “Sobra (akong nagpapasalamat), I’m out of words, I don’t know how. Kasi this is my first love (acting). You know, I don’t know what else am I gonna do with life aside (from) this. Sa totoo lang.”

Masaya si Beauty ngayon kasama ang kanyang asawa na si Norman Crisologo at anak na si Olivia.