• Home
  • Fresh Scoops
  • Mccoy de Leon makakasama nga ba si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball?

Mccoy de Leon makakasama nga ba si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball?

Isa si McCoy sa maagang naghahanda para sa Kapamilya event.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/3/2018 8:30 AM
Mccoy de Leon makakasama nga ba si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball?


Photo credit: @hashtag_mccoydl on IG

 

Todo paghahanda ngayon ang ilang Kapamilya stars para sa inaabangan na ABS-CBN Ball, na gaganapin sa September 29.

Kabilang ang Hashtag member na si McCoy de Leon sa mga maagang naghahanda ng kanyang susuotin para sa Kapamilya event.

 

“Ang bilis ng panahon po, nakakatuwa po kasi napabilang pa din ako dito ngayon. Naalala ko po dati na dream ko din po ito, na makasama ako noong hindi pa ako artista,” pag-alala ni McCoy.

Isa ang tambalan nina McCoy at Elisse Joson ang inaabangan na dadalo sa ball. Magkasama ba silang a-attend nito? 

“Tignan na lang po natin, kasi hindi ko pa po alam. Abangan natin, hindi ko din masabi ngayon talaga,” sabi ng young actor.

Inamin din ni McCoy na willing din umano siya na maglakad ng solo sa red carpet sa Kapamilya ball.

“Siyempre malungkot mag-isa, andun din naman po yung mga ka-Hashtags ko and siguro mas madadagdagan pa ang It’s Showtime family na andun, pero tignan na lang po natin,” huling pahayag niya.