Hotdog Band member Rene Garcia passes away

The OPM music icon will be most remembered for his contribution to the 70's Manila Sound.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/3/2018 8:15 AM
Hotdog Band member Rene Garcia passes away


Photo credit: Dennis Garcia's FB

 

Malungkot na balita ang ibinahagi ng singer-actor na si Richard Merck sa kanyang Facebook tungkol sa pagpanaw ni Rene Garcia, ang lead vocalist ng 70’s Pinoy band na Hotdog.

Si Rene ang isa sa utak at boses sa likod ng mga sikat na awitin ng Hotdog band gaya ng “Manila,” "Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko,” “Annie Batungbakal,” at “Bongga ka Day.”

Naiwan ni Rene ang kanyang kapatid na si Dennis Garcia na kasama din sa grupong Hotdog. Ayon sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Dennis na cardiac arrest ang ikinamatay ni Rene. 

Isa din si Rene sa founders ng Bandang Pinoy Co-op, isang organization na tumutulong sa mga may edad nang mga musikero para makahanap ng bagong hanap buhay.