• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda di natatakot ma-bash dahil sa kanyang outfit sa ABS-CBN Ball 2018

Vice Ganda di natatakot ma-bash dahil sa kanyang outfit sa ABS-CBN Ball 2018

Ginulat ni Vice Ganda ang lahat ng dumating siya sa ABS-CBN Ball 2018 nang may suot na koronang tinik.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/29/2018 9:36 PM
Vice Ganda di natatakot ma-bash dahil sa kanyang outfit sa ABS-CBN Ball 2018


Nang kabog talaga ang Unkaboggable star na si Vice Ganda nang dumating ito sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2018 sa Makati nitong  Sabado, September 29.

Naka black na gown si Vice na may mahabang cape na gawa ni Michael Cinco. Agaw pansin lalo ang suot ng TV host na koronang tinik na para bang isang poon.  

"Di [ako] masyadong naghanda, baka sabihing masyadong abala. As simple as possible. Charot!" sabi ni Vice sa press. "Siyempre this is a grand event, you're supposed to be grand. Everyone's waiting for you, everyone's excited to see you rock the red carpet, might as well prepare," dagdag pa nito. 

Nang tanungin siya na baka ma-bash siya sa kanyang suot, simple lang ang naging sagot ni Vice: "Wala naman akong ikinakatakot kasi wala naman akong ginagawang masama." 

Mabilis din ang pagsagot ng komedyante sa tanong kung nasaan ang kanyang kasama sa ABS-CBN Ball. 

"Only the weak needs an escort," nakangiting sabi ni Vice.  

"Always inspired. I'm inspired all the time, everyday. I am in love with myself and with life," sabi pa niya. 

Masaya din si Vice dahil matatapos na ang shooting ng kanyang Metro Manila Film Fest entry na "Fantastica." Medyo nagaalala lang daw siya na baka sa haba ng materyal nila ay baka ma-edit ang ibang parte nito. 

Panoorin ang pagrampa ni Vice sa ABS-CBN Ball sa Video: