• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, inaming nawala ang ‘takot’ dahil sa kanyang successful 40th anniversary concert

Sharon Cuneta, inaming nawala ang ‘takot’ dahil sa kanyang successful 40th anniversary concert

Overwhelmed si Sharon Cuneta sa pagdalo ng kanyang mga taga-hanga sa sold out ‘My 40 Years Sharon’ concert.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/29/2018 10:18 AM
Sharon Cuneta, inaming nawala ang ‘takot’ dahil sa kanyang successful 40th anniversary concert


 

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Megastar Sharon Cuneta sa katatapos lang na “My 40 Years Sharon” concert na naganap nitong September 28 sa Araneta Coliseum.

Yes I am overwhelmed, I’m overwhelmed. I got to do away of my fear of my insecurities, all the pain in my heart,” pahayag ni Sharon pagkatapos ng event.

Kasabay ng successful concert, ibinahagi na din dito ni Sharon ang playdate ng kanyang reunion movie kasama si Richard Gomez na “Three Words To Forever.”

I’m just so excited to be in the concert scene again, my new album in Star Music again is out. I’m doing a new movie again with Goma [Richard Gomez] for Star Cinema showing November. And I’m doing many, many more of projects,” ani ng aktres.

READ: Sharon Cuneta may advice sa mga batang singers ngayon

Sa huli labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Sharon sa naging suporta sa kanya ng kanyang mga fans throughout the years.

Thank you so much to all of you for your support, again my Sharonians, maraming, maraming salamat!” sabi pa ni Sharon.

Samantala, present din sa naganap na concert si KC Concepcion kung saan naging emosyonal si Megastar sa kanilang naging song number.

Kabilang din ang malalapit na kaibigan ni Shawie na sina Basil Valdez, Rey Valera, Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsazsa Padilla at Kuh Ledesma. 

Surpresa naman ang naging pagsampa ni Songbird Regine Velasquez- Alcasid sa stage para sa isang duet kasama si Sharon.

Present din si Christopher De Leon na naging bahagi ng 40 years ni Sharon sa kanyang mga pelikula.

Napa throwback naman ng kilig ang audience sa naging duet ni Sharon kasama si Richard Gomez kung saan dumagundong sa hiyawan ang big dome.

Sa naging pahayag ng PUSH kay Goma, hindi din niya inasahan ang magiging reaksyon ng audience sa kanilang duets.

LOOK: Sharon Cuneta at Richard Gomez naka-bonding na si Kathryn Bernardo

“Nagulat din ako e, I was not expecting that reaction, so siguro talagang gusto talaga ng fans na may gawin pa kami ulit,” pahayag pa ng actor-politician.

Inasahan na sa unang lingo ng Oktubre magsisimula ang shooting ng Sharon-Richard reunion movie na kukunan sa bayan ng Ormoc, Leyte.

Tignan ang mga naging ganap sa My 40 Years Sharon (swipe right):