• Home
  • Fresh Scoops
  • Rufa Mae Quinto on her upcoming movie ‘Bagyong Bheverlynn’: ‘Dito ako mananalo ng best actress’

Rufa Mae Quinto on her upcoming movie ‘Bagyong Bheverlynn’: ‘Dito ako mananalo ng best actress’

Aabangan din si Rufa Mae Quinto bilang isang alien sa bagong digital series ng ABS-CBN.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/29/2018 9:47 AM
Rufa Mae Quinto on her upcoming movie ‘Bagyong Bheverlynn’: ‘Dito ako mananalo ng best actress’


 

Sa September 28 live episode ng Magandang Buhay, in-announce ng Kapamilya comedienne na si Rufa Mae Quinto ang kanyang bagong pelikula, ang Bagyong Bheverlynn, na kalahok sa Cinema One Originals 2018.

 

 

Ayon kay Rufa Mae, matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito. Biro pa niya, itong pelikula ang magbibigay sa kanya ng Best Actress Award. “Dito ako mananalo ng best actress.”

Panuorin ang buong trailer dito:

 

Sa ibang balita, nag-post ng photo sa Instagram noong September 27 si Rufa Mae mula sa set ng unang araw ng taping ng bagong digital series ng ABS-CBN na John En Martian. Sa nasabing post, sinabi rin ng komedyante na gaganap siya kasama si Arci Munoz bilang mag-inang alien mula sa Mars.

 

“My first taping day of John En Martian, A new digital series from @abscbn, abangan kami ni @ramonathornes ... anak ko sya , and fountain of youthfulness ang powers ko dito, apat din ang boobs ko dito ... we are from Mars.

#johnEnMartians”