• Home
  • Fresh Scoops
  • Reunion movie nina Nora Aunor at Vilma Santos, matutuloy pa ba?

Reunion movie nina Nora Aunor at Vilma Santos, matutuloy pa ba?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/29/2018 9:18 AM
Reunion movie nina Nora Aunor at Vilma Santos, matutuloy pa ba?


 

Nanatiling bukas sa posibilidad ang Superstar na si Nora Aunor sa mga nilulutong movie project kasama ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Kuwento ni Nora, kasalukuyang may kumakausap sa kanila para sa pagsasama sa isang proyekto.

“May mga kumakausap sa amin na gumawa ng pelikula, pero ang nagiging problema nga lang ay ‘yung scheduling. Baka hindi magtugma ang scheduling,” ani Nora sa PUSH at ABS-CBN News.

“Pero malay natin, dumating ang panahon magkakasama rin kami,” dagdag pa ng Superstar.

Matatandaan na ilang pelikula na din non ang pinagsamahan ng Superstar at Star For All Season sa pelikula gaya ng T Bird at Ako at Ikaw Ay Akin.

Samantala, todo suporta din si Nora bilang business manager sa naging contract sigining ng kanyang talent na si John Rendez sa Star Music

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome to Star Music Mr.John Rendez

A post shared by Star Music (@starmusicph) on

 

At bilang isang business manager, aminado si Nora na namiss niya ang muling maging aktibo sa larangan ng pagkanta.

“Opo siyempre, kasi unang-una ang pagiging mang-aawit talaga, dyan ako nag umpisa. And sa tagal ng panahon na hindi ako naka-kanta, na mi-miss ko talaga ang pag kanta,” sabi pa ni Ate Guy.

“At sa hindi pa ako maka-kanta sa ngayon, siyempre gusto ko maibigay sa katulad ni John na hindi din nakakpagpatuloy ng kanyang singing career, so umaasa ako na dito sa Star Music, ay mabibigyang buhay ulit ang kanyang talent na ibinigay ng nasa Itaas,” pahayag pa niya.