• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid may pahayag sa chismis na network transfer ng asawang si Regine Velasquez

Ogie Alcasid may pahayag sa chismis na network transfer ng asawang si Regine Velasquez

Ogie Alcasid may meaningful na sagot sa chismis na lilipat na ng network ang Asia's Songbird Regine Velasquez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/30/2018 1:17 AM
Ogie Alcasid may pahayag sa chismis na network transfer ng asawang si Regine Velasquez


Photo credit: @ericjohnsalut on IG

 

Tila unti-unti nang nasasagot ang malaking katanungan ngayon ng mga fans ni Asia’s Songbird Regine Velasquez tungkol sa mga napapabalitang transfer nito sa Kapamilya network.

Read: Regine Velasquez spotted at the ABS-CBN Ball 2018

Isa si Regine sa mga present sa naganap na ABS-CBN Ball 2018 kung saan spotted siya sa mga pictures kasama ang ilang mga Kapamilya boss.

Sa naging panayam sa husband ni Regine na si Ogie Alcasid sa red carpet, ibinahagi nito ang kanyang saloobin tungkol sa tila isang panibagong chapter sa career ng kanyang misis.

“Whatever it is that’s going to happen, I’m always very excited for her, so there’s nothing yet, but kung ano man ang naririnig niyo, it’s all very exciting,” ani Ogie sa press.

At nang tanungin naman kung bahagi ba siya decision making ng misis ito ang kanyang naging tugon. “No not at all,” nakangiti niyang sagot.

“Ako lang ang nag pe-prepare ng toothbrush niya (smiles). I mean as a husband siyempre she shares her thoughts,” pahayag pa ni Ogie.