Liza Soberano ‘one of a kind’ sa puso ni Enrique Gil

Marami na naman ang humanga sa red carpet look ni Liza Soberano sa ABS-CBN Ball.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/30/2018 1:36 AM
Liza Soberano ‘one of a kind’ sa puso ni Enrique Gil


 

Isa sa mga inabangan sa naganap na ABS-CBN Ball 2018 ang pagrampa ng aktres na si Liza Soberano.

Kasama ang kanyang on-screen partner at rumored boyfriend na si Enrique Gil, hindi binigo ni Liza ang mga naghintay para sa kanyang muling paglakad sa red carpet ng Kapamilya event.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Enrique Gil's eyes are all on Liza Soberano at #ABSCBNBall2018

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“One of a kind, thank God she’s mine,” tugon ni Enrique nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa look ni Liza. 

Overwhelmed naman ang aktres sa naging reaksyon ng kanyang on-screen partner at ng mga kapwa artista na present sa gabi ng Ball.

“It’s overwhelming sometimes because I feel like people are expecting so much but I really just wanna be myself and to show who I am with the way I dress,” ani Liza.

“But I’m also very happy and honored that people look up to me when it comes to fashion from Star Magic Ball to ABS-CBN Ball,” sabi pa niya.

LOOK: LizQuen, the walking dolls at the Star Magic Ball 2017 

Sa huli, pinasalamatan ni Liza ang mga positibong reaksyon sa kanyang look na love na love ngayon ng mga kababaihan na umiidolo sa kanyang style.

“And I just wanna say thank you to everyone because they’re the ones who inspire me to dress my best and to look my best,” pahayag pa ni Liza.

Sa ngayon, todo paghahanda din si Liza para sa kanyang pag ganap bilang si Darna sa pelikula.