• Home
  • Fresh Scoops
  • Basketball player na nanliligaw diumano kay Yassi Pressman, pinagseselosan daw ni Coco Martin?

Basketball player na nanliligaw diumano kay Yassi Pressman, pinagseselosan daw ni Coco Martin?

Yassi Pressman sinabing caring na tao talaga si Coco Martin.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/29/2018 11:13 AM
Basketball player na nanliligaw diumano kay Yassi Pressman, pinagseselosan daw ni Coco Martin?


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni Yassi Pressman ang namamagitan sa kanila ng co-star na si Coco Martin, na tulad din ito ng namamagitan sa mga karakter nilang si Cardo at Alyana sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano

“’Yung care para sa isa’t isa. Si Coco po kasi yung tipong inaalagaan niya lahat, sinisigurado niyang maayos ang lahat, nakakain na lahat…” unang kwento ni Yassi. 

Dagdag pa niya, “Ako rin naman po I like showing people that they’re important to me.” 

Umapoy ang balita na may namamagitan kina Coco at Yassi nang mag-viral ang isang video clip kung saan nakitang “naghahalikan” ang dalawa. 

WATCH: Yassi Pressman kisses Coco Martin

Tinanong rin siya kung totoo na nagseselos si Coco sa isang basketball player na nanliligaw kay Yassi. Tumawa lang ang aktres at sinabing, “Unang-una Tito Boy, hindi po siya basketball player and yung tao pong yun is part of our marketing team. Kasi nagbi-build po kami ngayon ng website, we’re putting out a book also.”

Kinumpirma ni Yassi na magkaibigan lang sila ng lalaking tinutukoy at malapit din daw ang lalaki sa pamilya niya.

Close din naman po. Matagal na po. As in bago pa ako mag-showbiz,” paglilinaw ni Yassi.  

Pinagmalaki din ng Fil-British actress na isa siya sa mga nabigyan ng break ni Coco sa showbiz, na direktor na rin ngayon ng Ang Probinsyano.

“Isa po ako sa mga tao na nabigyan niya ng bagong buhay, kasi nabigyan niya ako ng opportunity,” sabi ni Yassi.