• Home
  • Fresh Scoops
  • Tanong ng netizens: post ni Maja Salvador sa Instagram may 'kahulugan'?

Tanong ng netizens: post ni Maja Salvador sa Instagram may 'kahulugan'?

Nagtatalo ang followers ni Maja Salvador dahil sa kanyang latest Instagram post.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/28/2018 8:15 AM
Tanong ng netizens: post ni Maja Salvador sa Instagram may 'kahulugan'?


Photo credit: @iammajasalvador on IG

 

Marami sa followers ng aktres na si Maja Salvador ang nagtatalo ngayon sa comment section ng kanyang latest post dahil binibigyang kulay ang kanyang caption na: "Things I sway: my hips and your opinion."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

"Things I Sway: My Hips and Your Opinion. "

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Ang post ni Maja kahapon, September 27, ay iniuugnay sa guesting nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice, kung saan nai-reveal na siya raw ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa. Pero nilinaw naman ni Angelica na hiwalay na sila ng naging girlfriend na ni Carlo si Maja. 

Nang tanungin ng TV host na si Vice Ganda si Angelica kung nagkaroon ba siya ng tampo kay Maja, ang mabilis na sagot nito ay, "Hindi naman. Di kami nagkaroon ng problema."