• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Robi Domingo, unexpected ang pagiging close sa dating school mate

EXCLUSIVE: Robi Domingo, unexpected ang pagiging close sa dating school mate

Robi Domingo, ibinahagi kung ano ang estado ng relasyon niya kay Maqui Pineda.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2018 9:10 AM
EXCLUSIVE: Robi Domingo, unexpected ang pagiging close sa dating school mate


 

Walang nakikitang masama ang TV host na si Robi Domingo kung makita man siya ng publiko sa ilang showbiz events kasama ang batchmate niya sa Ateneo na at non-showbiz girl na si Maqui Pineda.

Recently, they were spotted na magkasama sa celebrity premiere ng isang pelikula na hindi rin naman itinanggi ni Robi.

“Hindi naman kasi ako ano, eh, hindi talaga kasi ako aktor o artista na naghahanap ng love team, eh. Kung ano yung… wala naman po akong tinatago talaga, and it’s a friendly invitation. In-invite po ako ng premiere night, sabi nila may plus one, puwede kang magdala.

“Eh, alangan namang nanay ko yung dalhin ko. Nanay ko nga nakakatulog na sa sinehan, hindi na maa-appreciate. Eh, siya kasi, yung kaibigan kong yon, ano siya, she’s really an advocate of Philippine cinemas, Philippine art, anything local sinusuportahan niya,” kuwento ni Robi sa PUSH.

Hindi rin daw niya na-imagine na mula sa pagiging batchmate nila sa school ay magiging close sila ngayon.

“Never. It was really unexpected kasi although magkakilala kami nung college nagkikita-kita kami sa mga koridor (ng school), never naman namin na-imagine na magkikita kami sa isang lugar tapos magpapalitan ng number,” pagtatapat pa ng binata.

Tila nadulas naman si Robi ng sabihin niyang in love na nga siya sa dalagang ka-batchmate.

“Yeah, in love, pero hindi naman kami yung masyadong…  yung tipong every single day nagkikita. We have our own lives lalo na po ngayong busy ako sa hosting and siya naman, she’s busy with her life as well.

“Bihira lang kaming magkita, eh. We rarely see each other. Busy talaga siya. She is really nice. Ako talaga, kung bibigyan ako ng pagkakataon, ng mga moments kung saan yung paths namin palaging magko-cross, why not?

“Kasi ano, eh, matalino siyang babae talaga. At saka tinutulungan niya ako sa mga financial terms kasi sa ano siya, eh, world of finance, so yon.

“May mga bagay sa world ko na nabibigay ko sa kanya. May mga bagay sa world niya na kailangan ko para magamit ko dito sa world ko, so ikut-ikot lang ‘ika nga ni Sarah,” dire-diretso pa niyang pahayag.

Kung unexpected para sa kanya ang muli nilang pagkikita ni Maqui ay ganun din daw ang nangyari sa kanyang hosting career nitong 2018.

Sambit niya, “Yon din po, unexpected din yon. Itong 2018 parang binigla lang ako kasi nung June-July wala po akong ginagawa talaga except for ASAP and MYX.

“And then last week of July lang sinabi na may gagawin kaming programa—Star Hunt. Tapos pumasok din yung Kid’s Choice, nag-audition ako.”

Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga itinuturing niyang mentors sa hosting.

“Ang dami kong napulot na aral mula sa lahat ng mentors ko—si Billy (Crawford), si Luis (Manzano), Ate Toni (Gonzaga), Ate Bianca (Gonzalez), lahat ng mga nakasama ko.

“And I’m grateful na dumaan po ako sa isang matinding proseso, na mula PBB, nawala. Tapos sinubukan ko ang hosting paunti-unti. Hindi po biglaan, hindi overnight po yung success,” huling pahayag ni Robi.