• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kiray Celis, umamin na nahirapan mag-adjust sa pagkakaroon ng boyfriend

EXCLUSIVE: Kiray Celis, umamin na nahirapan mag-adjust sa pagkakaroon ng boyfriend

Idinetalye ni Kiray Celis ang mga pagbabago sa buhay niya noong nagkaroon siya ng boyfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2018 9:03 AM
EXCLUSIVE: Kiray Celis, umamin na nahirapan mag-adjust sa pagkakaroon ng boyfriend


Photo credit: @kiraycelis on IG

 

Sa isang exclusive interview ay kinumusta namin ang status ng relationship ng singer-actress na si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend na ayaw niyang ipabanggit ang pangalan.

Bungad ni Kiray, “Kami pa din. Okey naman, very happy. We have a business together. Matagal-tagal na rin kami, malapit nang mag-one year.”

Inamin din ni Kiray kung ano sa palagay niya ang sikreto kung bakit tumatagal ang kanilang relasyon kahit pa first time pa lang niyang magka-boyfriend.

“Alam mo, ang pagmamahal daw nabe-base siya sa happiness na nakukuha mo sa tao. Kasi, imaginin mo ha, pag may nakilala kang mga tao, pag nakita mong mabait, gwapo or parang bet ko na yan, ang dali mong mahalin yung tao na yon kasi nga may nagustuhan ka sa kanya.

“But ang point, sa dami ng puwede mong mahalin hindi lahat ng yon puwede kang bigyan ng happiness na deserve mo. So, feeling ko, kaya tumatagal ang relasyon o kaya ka tumatagal sa isang tao kasi nabibigay niya yung happiness na deserve mo.

“I think, it’s really not about… hindi lang siya basta love, hindi lang basta trust kundi sa happiness talaga, that’s really important.

“Sa first boyfriend, for me ha, parang ang dami ko ng natutunan, dami ko ng pagsubok na napagdaanan. Ang daming struggle, pero don ako kumakapit, siya yung happiness ko,” mahaba niyang paliwanag sa PUSH.
Ano ba ang mga struggles na pinagdaanan niya having a first time boyfriend?

“Madami… madami,” pag-amin niya.  “Like, kasi first boyfriend nga, so sobrang immature ako. Matino akong magmahal pero hindi ko alam kung papaano.

“Ngayon lang ako lumabas sa mundo ko, eh. Lahat ng hindi ko nararanasan before, na nakakapanood ng sine, nakakalabas na kaming dalawa lang, kasi laging kasama yung mama ko, eh, so lahat yon naranasan ko sa kanya. Na parang, ah ganito pala maging normal na tao, napakasarap maging normal na tao.

“Nakakapag-out of town na kami, out of the countries, I’m very happy,” patuloy niyang kuwento.

Malaki rin daw ang naging adjustment niya from being single sa “in a relationship” status.

Ani Kiray, “Super laki ng adjustment, kasi nakadepende ako kay mama lahat. Ngayon ako na yung gagawa lahat para sa sarili ko and at the same time inaalagaan ko rin yung boyfriend ko kapag kasama ko. Natututo naman ako.

“Alam mo nung first out of the country namin iyak ako nang iyak. Kasi sabi ko, my God, lagi kong kasama yung nanay ko kapag umaalis pero ngayon ako na lang.”

Selosa ba siyang girlfriend?

“Sobra. Sobrang selosa ako! Nagseselos ako sa feeling ko na pag kunyari hindi naman busy, pero sinong kausap? Alam mo yon, very paranoid, kasi siyempre first nga.

“Pero nasasanay na ako na hindi lahat ng naiisip mo na feeling mo, eh, ginagawa niya. At hindi ibig sabihin no’n, eh, ginagawa niya talaga, feeling mo lang yon.

“Kasi ang kalaban mo sarili mo, eh. Utak mo yung gumagawa ng kuwento, so hindi lahat ng iniisip ng utak mo ay totoo. Siya lang ang nakakaalam non. So, i-trust mo lang yung tao na yon and maniwala ka. Kasi kung lolokohin ka, eh, di lokohin ka, maghiwalay kayo.

“Kung hindi mo kayang tanggapin, maghiwalay kayo. Pero kung hindi ka lolokohin, ibig sabihin mahal ka, gusto ka talaga at pinapangalagaan yung relationship na kung anong meron kayo,” pahayag pa ni Kiray sa PUSH na animo’y expert na sa larangan ng pakikipagrelasyon.