• Home
  • Fresh Scoops
  • Assunta de Rossi on raising confident kids: ‘Wag mo sila masyadong i-criticize.’

Assunta de Rossi on raising confident kids: ‘Wag mo sila masyadong i-criticize.’

Assunta de Rossi, aminado na pinalaki siya sa palo

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/28/2018 8:57 AM
Assunta de Rossi on raising confident kids: ‘Wag mo sila masyadong i-criticize.’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, ipinaliwanag ni Assunta de Rossi kung bakit pinili niyang maging aktres pa rin kahit na marami naman siyang pwedeng ibang gawin. “I’m a very creative person. I consider my work ko, I treat it like my playground. It’s also sort of an escape.”

Nagawa niya rin ito dahil na rin sa kung papaano sila noon pinalaki. “Lumaki kami sa palo,” ayon kay Assunta.

Hindi naman daw niya sinisisi ang parents niya sa form of discipline nito sa kanilang magkakapatid. “Yun yung kinalakihan nila na ang anak pinapalo.”

Nang tanungin kung gaano katindi ang palo na natatanggap nila noon ang sagot ni Assunta ay, “pretty bad. Both my parents.” Pero aminado si Assunta na “matigas ang ulo” nila noong magkakapatid.

Hindi naman daw siya nagtanim ng galit sa mga magulang niya dahil, “mabubuti talaga silang tao.”

Dahil sa pagpapalaki sa kanya, marami din daw siyang natutunan tungkol sa pagiging isang ina. “Importante talaga na merong open communication with the kids. Wag mo sila masyadong i-criticize. Wag mo silang masyadong pagsabihan, nakaka-affect sa kanila talaga yun,” sabi ni Assunta.

Dagdag pa ni Assunta, “ang mga anak ko naman di naman sila spoiled e, but I want them to have yung confidence. Yung tiwala sa sarili na, ‘Hindi, kaya ko ito.’”