Vice Ganda ipinasilip ang kanyang look sa ‘Fantastica’

Sa nakaraang story conference ng pelikula sinabi ni Vice Ganda na dapat abangan ng mga manonood ang kanilang costumes.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/27/2018 2:18 PM
Vice Ganda ipinasilip ang kanyang look sa ‘Fantastica’


Photo credit: @praybeytbenjamin on IG

 

Abala ngayon ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa last shooting day ng inaabangan na 2018 Metro Manila Film Festival entry na Fantastica.

Sa naging Instagram story ni Vice nitong Huwebes ng umaga, ipinasilip ng ‘Unkaboggable Star‘ ang ilang detalye sa kanyang magiging look para sa movie.


Courtesy @praybeytbenjamin IG story.

Pasilip pa lang, pasabog na agad si Vice sa kanyang magiging costume sa pampamilyang pelikula sa darating na Pasko.

Matatandaan na sa naging story conference ng pekikula, inihayag ni Vice na isa sa dapat abangan ang kanilang costumes na kagigiliwan ng mga manunuod.

Dito, makakasama din ni Vice, sina Bela Padilla, Kapamilya love-teams gaya ng MayWard at LoiNie. Kabilang din sa cast sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, na unang magsasama sa isang comedy movie.

Read: Vice Ganda says audience can expect a different Richard Gutierrez and Dingdong Dantes in ‘Fantastica’

Isa ang Fantastica sa unang apat na pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival kahanay ng Jak Em Popoy: The Puliscredibles ni Coco Martin, Girl In The Orange Dress ni Jericho Rosales at Aurora ni Anne Curtis.