• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao, umamin na love life ang dahilan kung bakit nawala sa showbiz noon

Marco Gumabao, umamin na love life ang dahilan kung bakit nawala sa showbiz noon

Matindi daw ma-in love si Marco Gumabao.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/27/2018 8:47 AM
Marco Gumabao, umamin na love life ang dahilan kung bakit nawala sa showbiz noon


 

Matindi palang ma-in love ang isa sa lead stars ng Para sa Broken Hearted na si Marco Gumabao. Isa raw sa dahilan kung bakit nawala siya noon sa showbiz for almost two years ay dahil nag-focus siya sa love life at sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Tippy Dos Santos.

“Basta yung time na yon, yung buong buhay ko kay Tippy,” pag-amin niya. “So kumbaga, kaya nawala rin ako sa showbiz for like two years. Nag-aral din naman ako and yon nga, at the same time, na-focus ako sa kanya.

“Bihira akong ma-in love, eh, pero pag na-in love ako, todo, grabe,” patuloy niyang pag-amin.

Eh, paano kung ma-in love siya ulit ngayon kung kung kailan umaangat na ang kanyang career? Baka naman bigla ulit siyang mawala sa showbiz?

“Well, yon nga yung mahirap. Kaya ako, ngayon ang ginagawa ko, as much as possible, hindi ko muna pinopokus yung sarili ko sa mga babae,” tugon niya.

Eh, paano kung sila yung lumalapit?

“Ako ang lalayo! Hindi, joke lang,” biro pa niya.

“Siyempre, ako naman… tsaka wala pa naman akong nahahanap talaga, eh. At saka ang sabi rin sa akin ng daddy ko na, ‘Magseryoso ka muna sa work and wag ka munang mag-girlfriend.’ Sabi niya, magpahabol ka muna.

“Sabi ko, ‘Oo, sige Pa, susundin ko yung advice mo,’” natatawa niyang pahayag.

Paano niya hina-handle kung girls na ang nagpi-flirt sa kanya?

“Ayoko rin namang maging rude sa mga tao. Pag napapansin ko na… may times kasi na may mga touchy, kasi mahilig akong lumabas, eh, mahilig akong mag-club pero di ako… para lang mag-enjoy, para makasama mga kaibigan. Meron naman talaga na ano, kumakausap sa iyo, pero hindi ko na iniisipan ng malisya. Basta ako, usap tayo, ganyan, friends lang.

“Basta sa akin, ano lang ako, true love waits. Para sa akin, ang love hindi minamadali, di ba?” katwiran niya.

After lumabas ng mga photos niya na naka-underwear from Bench, nakatanggap na ba siya ng mga indecent proposals?

“Wala. Siguro dahil nahihiya sila sa akin,” kampanteng sagot ng binata.

“Marami sa Instagram pero I don’t count that as… Pero siguro, once lang actually, pero hindi rin siya proposal, eh. Gusto lang akong bigyan ng cellphone. Bago pa lang ako noon.”

Eh, anong reaksyon niya na isa na siya sa pinagnanasaang hunk actor ngayon sa industriya?

“Well, thankful ako na yon ang nagiging reaksyon ng mga tao sa akin, at the same time, alam ko naman yung hangganan ko rin, di ba? Yung respeto ko for myself.

“Okey lang naman sa akin na ano, actually, pag nagpo-post ako ng picture naka-topless maraming nagko-comment na nakakatawa. Ako naman, I just use it as ano… I look it as a good thing also.

“Di ko napi-feel na nababastos ako, because pinost ko, eh. Ie-expect ko na magkakaroon ng comments na ganun, so ako naman, happy naman ako na naa-appreciate nila,” lahad ng binata.

Anyway, palabas na ang Para Sa Broken Hearted na pinagbibidahan din nina Louise delos Reyes, Sam Concepcion, Shy Carlos at Yassi Pressman sa October 3. Ang pelikula ay hango sa best-selling book ng kilalang “hugot novelist” na si Marcelo Santos III sa direksyon ni Dito Ricio.