• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao on Daniel Padilla: ‘Proud lang ako sa mga nakakamit niya’

Marco Gumabao on Daniel Padilla: ‘Proud lang ako sa mga nakakamit niya’

Marco Gumabao, walang inggit kay Daniel Padilla.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/27/2018 9:01 AM
Marco Gumabao on Daniel Padilla: ‘Proud lang ako sa mga nakakamit niya’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi raw uso kay Marco Gumabao ang inggit. Ito ang sagot niya nang taungin siya kung may inggit siyang nararamdaman sa success ng close friend niyang si Daniel Padilla. “I’m super happy for him. As a friend, mas nagiging proud lang ako sa mga nakakamit niya. For me, once you put envy sa isip mo that’s when your friendship starts to crumble down,” ani Marco.

Kaya naman daw sila naging magkaibigan ni Daniel ay, “pareho kaming makukulit e. We have similarities sa basketball. We love chilling at his house. Hindi po kami lumalabas kapag kami magkakasama.”

Hindi naman daw pareho ang tipo nila ni Daniel sa mga babae kasi siya ay mas mahilig sa tisay. “Not necessarily na I don’t like morena,” dagdag pa ni Marco.

Inamin rin ni Marco na four years na siyang single. Ang naging girlfriend daw niya sa showbiz ay si Tippy Dos Santos.

Ilan sa mga hinahangaan niyang mukha sa showbiz ay sina Liza Soberano at Julia Barretto. At hypothetically, kung may liligawan daw siya ay si Julia dahil sa close friend din niya ito.