Isang instant reunion ang naganap nitong Miyerkoles ng gabi sa muling pagkikita nina Carlo Aquino at Star for all Seasons Vilma Santos-Recto sa taping ng The Bottom Line.
Matatandaan na minsan nang gumanap si Carlo bilang anak ni Vilma sa pelikulang Bata Bata Paano ka Ginawa? na isa sa mga blockbuster films noong dekada ‘90.
Ayon sa kuwento sa naging pagkikita nina Carlo at Vilma, napadaan lang sa dressing room ng kongresista ang aktor para magbigay pugay sa kanyang itinuturing na ina sa showbiz.
Gaya ng maraming ina, proud na proud din si Ate Vi sa narating ng dating child star at lead actor na din ngayon sa kanyang sariling pelikula.