LOOK: Carlo Aquino may biglaang reunion kay Vilma Santos

Laking tuwa ni Carlo Aquino nang malamang may taping ang Star For All Seasons sa loob ng ABS-CBN.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/27/2018 12:07 PM
LOOK: Carlo Aquino may biglaang reunion kay Vilma Santos


 

Isang instant reunion ang naganap nitong Miyerkoles ng gabi sa muling pagkikita nina Carlo Aquino at Star for all Seasons Vilma Santos-Recto sa taping ng The Bottom Line.

 

Matatandaan na minsan nang gumanap si Carlo bilang anak ni Vilma sa pelikulang Bata Bata Paano ka Ginawa? na isa sa mga blockbuster films noong dekada ‘90.

Ayon sa kuwento sa naging pagkikita nina Carlo at Vilma, napadaan lang sa dressing room ng kongresista ang aktor para magbigay pugay sa kanyang itinuturing na ina sa showbiz.

Gaya ng maraming ina, proud na proud din si Ate Vi sa narating ng dating child star at lead actor  na din ngayon sa kanyang sariling pelikula.