• Home
  • Fresh Scoops
  • Lea Salonga di pabor sa pagpapalit ng lyrics sa ‘Lupang Hinirang’

Lea Salonga di pabor sa pagpapalit ng lyrics sa ‘Lupang Hinirang’

Kilala si Lea Salonga sa kanyang mga opinyon sa social media.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/27/2018 9:55 AM
Lea Salonga di pabor sa pagpapalit ng lyrics sa ‘Lupang Hinirang’


 

Tila hindi pabor ang Broadway star na si Lea Salonga sa usapin ng pagpapalit ng huling mga linya ng pambansang awit ng Pilipinas.

Naging mainit na diskusyon ito matapos ang naging panukala ni Senate President Vicente Sotto III na ibahin ang huling salita ng “Lupang Hinirang” mula "ang mamatay nang dahil sa 'yo" at gawin ito ng "ang ipaglaban kalayaan mo."

"I told one of my friends, 'You know what, context is everything,’" ani Lea sa naganap na Lea Salonga 40th Anniversary Concert presscon nitong Martes, September 25.

"I love the anthem as it is, I love the spirit. The context is everything, the time period it was written with the spirit,” ani Lea.

Ayon pa sa Broadway Diva, hindi na kailangan na tingnan ang literal na kahulugan ng “Lupang Hinirang”.

“The words, ‘Ang mamatay nang dahil sa ’yo,’ it doesn’t have always to be taken so literally," paliwanag pa ni Lea.

Mapapanuod si Lea sa darating na October 19 and 20 sa PICC Plenary Hall.