Janine Berdin ibinahagi ang paghahanda para sa ABS-CBN Ball

First time na dadalo ni Janine sa prestigious event ng Kapamilya networ

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/27/2018 12:12 PM
Janine Berdin ibinahagi ang paghahanda para sa ABS-CBN Ball


Photo credit: @janineberdin on IG

 

Isa ang Tawag ng Tanghalan Grand Champion na si Janine Berdin sa abala na ngayon sa paghahanda para sa magaganap na ABS-CBN Ball ngayong Sabado September 29.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thanks @iamjmbales 📸 hmua by @kevininciso 💚 styled by @rodelbrinas x @kimmyguevarra 💚

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin) on

 

Malaking karangalan para kay Janine ang maglakad sa red carpet kasama ang mga sikat na ABS-CBN personalities.

"Sobrang honored po ako na isa po ako sa mga pinili na imbitahan para sa ABS-CBN Ball. Dati po nakikita ko lang po 'yung mga picture online ng mga ball. Ngayon invited na po talaga ako. Kaya sobrang thank you po sa ABS-CBN for having me," sabi ni Janine.

Hindi din naitangi ni Janine na kasama sa kanyang preparation ang pagbabawas ng timbang.

 

"Siyempre po nagpapayat po at baka hindi po magkasya ang gown. Lots of rest para clear ang skin para sa ball and pini-prepare ko rin ang boses ko kasi kasi may surprise kaming gagawin para sa ball," kuwento pa niya

At dahil bwena manong a-attend ng major Kapamilya event, kabado ang dalaga sa nalalapit na pagtitipon.

 

"Hindi ko po alam kung ano ang i-expect ko. First time po, hindi ko alam kung ano ang feeling. Siguro po pagdating ko roon at first mahihiya ako ng slight kasi 'yun po mga bigating stars ang makikita ko at mami-meet ko roon. Super thankful po ako na makakasama ko ang TNT family ko. Sila rin po ang makakasama ko sa ball kasi sila ang pinakamalapit sa akin po,” pahayag pa niya. 

Para sa ABS-CBN Ball, isusuot ni Janine ang gown na likha ng designer na si Mikee Andrei.