• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano todo suporta sa anak na si Kiana matapos itong makipag-break kay Sam Concepcion

Gary Valenciano todo suporta sa anak na si Kiana matapos itong makipag-break kay Sam Concepcion

Nalungkot din daw si Gary Valenciano para sa anak na si Kiana lalo pa at malapit si Sam Concepcion sa kanilang pamilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/27/2018 9:50 AM
Gary Valenciano todo suporta sa anak na si Kiana matapos itong makipag-break kay Sam Concepcion


Photo credit: @kianavee (R) on IG

 

Nanatiling mailap sa entertainment press ang unica ija ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana Valenciano matapos ang naging pag-amin ni Sam Concepcion tungkol sa kanilang naging hiwalayan.

Read: Sam Concepcion kinumpirma na break na sila ni Kiana Valenciano

Kaya naman sa naging panayam sa kanya nitong Linggo, September 23, sa backstage ng ASAP, inihayag ni Gary ang naging saloobin sa estado ng buhay pag-ibig ng anak.

"I'm always there for her when she needs me. She's a grown up, she can handle things on her own and if she needs me, I'll be there," tugon ni Gary.

At bilang isang ama, inamin ni Gary na nasaktan siya para kay Kiana at kay Sam na naging close na sa kanilang buong pamilya.

"I think any parent would feel bad. It's a great relationship and I'm glad she's okay and I'm always there for her," pahayag pa ni Gary.

Ganun pa man, nanatili pa din ang suporta ni Gary at ng kanyang buong pamilya para sa kasalukuyan na pinagdaraanan ng anak.

2017 nang ihayag nina Kiana at Sam ang kanilang mabuting pagtitinginan sa Gandang Gabi Vice.