Bela Padilla hanga sa pag-aalaga ni Vice Ganda

Sinabi ni Bela Padilla na matatapos na sila ni Vice Ganda sa pagshu-shoot ng pelikulang 'Fantastica.'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/27/2018 3:41 PM
Bela Padilla hanga sa pag-aalaga ni Vice Ganda


 

Maikling preparasyon lang para sa inaabangan na ABS-CBN Ball ang inilaan ng aktres na si Bela Padilla na abala ngayon sa kanyang bagong pelikula.

Ayon sa aktres, bago ang araw ng Kapamilya gathering, sasabak muna siya sa last shooting day ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Fantastica kasama si Vice Ganda. Dito, ibinahagi ng aktres ang kanyang working experience kasama si Vice.

"Okay naman, medyo patapos na kami, last few days namin kaya medyo naghahabol kami," sabi ni Bela.

At dahil bwena mano sa pagpapatawa, inamin ni Bela na malaking adjustment ito sa kanilang mga eksena.

"Masaya, first time ko na pure comedy, so nagpapatulong ako sa kanya. Sabi ko, 'Momshie, 'di ko forte to, ikaw bahala sa 'kin' and naman natutuwa ako kasi kung ano 'yung scene mo, dadagdagan pa niya para mas maging colorful and mas maging funny," kuwento pa ni Bela.

Bukod sa masayang work experience, bilib din daw siya sa naging pag-aalaga sa kanilang mga artista na kasama sa MMFF entry.

"Nakikita ko 'yung pag-guide niya sa aming lahat , hindi lang sa akin, pati na din sa love teams," pahayag ng aktes.

Patikim pa ni Bela, asahan na ang mga pasabog na costume na kanilang isusuot sa pang-pamilyang pelikula na mapapanuod sa darating na Kapaskuhan.