Bakit naging emosyonal si Pokwang sa Magandang Buhay?

Naging emosyonal si Pokwang nang mapag-usapan ang kalagayan ng ina, at ang mga kaibigan sa industriya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/27/2018 3:54 PM
Bakit naging emosyonal si Pokwang sa Magandang Buhay?


 

Sa September 27 episode ng Magandang Buhay, isang emosyonal na Pokwang ang nakasama ng mga momshie-hosts. Kasama si John ‘Sweet’ Lapus na naging matalik na kaibigan ni Pokwang, napaluha ang komedyante nang ibinahagi niya ang saya dahil sa mga kaibigan niya.

“Hindi, nakakatuwa lang. Sa kabila ng may pinagdaanan ka, alam mong may kaibigan ka na masasandalan, siya (Sweet), si Pooh, si K (Brosas). Hindi man kami physically laging magkakasama, ramdam mo na isang text mo lang, may advice kang (matatanggap),” sabi ni Pokwang habang nagpipigil ng luha.

 

Naikwento rin ni Sweet na noong na-diagnose ang ina ni Pokwang ng Alzheimer’s Disease, pinatawag niya ang mga kaibigan para sa salu-salo.

“Nagtawag siya (ng mga kaibigan) noong si Nanay Gloria ay na-diagnose ng kanyang sakit. Ganun si Pokwang e, ‘Hindi ko dapat ‘tong gawing negative na iiyak ako na malulungkot ako. Magluluto ako papupuntahin ko mga kaibigan ko.’ (So) lahat kami nagpunta,” kwento pa niya.

Ayon kay Pokwang, isa si Sweet sa mga nag-comfort sa kanya noon. “Tsaka sinabi niya (Sweet) ‘Nawala ka man sa isip niya, pero nandoon ka sa puso niya.’”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I love you my lola Gloria ❤️❤️❤️

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

Dagdag ni Pokwang, nakakatulong din ang kaniyang anak na si Malia sa kalagayan ng ina. “Alam mo, ang laki (nang naitutulong) ni Malia sa amin. Kasi therapy ang baby sa kanya. Kapag kinakarga niya, makikita mong listo siya.”

“Siguro iniisip niya, ‘Ang gandang bata ‘to, bihira lang sa amin ‘to, kaya kelangang ingatan to,’” biro ni Pokwang sa mga momshies.