Bakit excited na si Kisses Delavin para sa ABS-CBN Ball?

Bukod sa ABS-CBN Ball, na-e-excite rin si Kisses Delavin sa darating na MMFF movie na Fantastica.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/27/2018 12:52 PM
Bakit excited na si Kisses Delavin para sa ABS-CBN Ball?


 

Sa naganap na gown fitting niya with the internationally acclaimed fashion designer Francis Libiran kahapon, September 26, ibinahagi ni Kisses Delavin ang excitement sa susuotin niyang gown para sa ABS-CBN Ball sa Sabado, September 29.
 


 
Ayon kay Kisses, gustong-gusto niya ang mga gawa ni Francis Libiran lalo pa’t ito rin ang may gawa ng kanyang gown noong debut niya. “Kasi I love Francis Libiran, siya ‘yung gumawa ng 18th birthday (gown) ko, and ever since talaga siya na ‘yung gusto kong gagawa ng mga gowns ko. So Francis Libiran baby talaga ako,” aniya.
 


 
Darating si Kisses sa ABS-CBN Ball kasama ang kanyang loveteam partner na si Donny Pangilinan. Bukod dito, na-e-excite ang dalaga dahil makikita rin niya ang mga nakasama noon sa Pinoy Big Brother.
 
“Kasi parang reunion ng mga dating kasama ko, mga dati kong naka-work, and I think that’s fun… I get to enjoy moments like that na nagrereunite kami… ‘Yung mga nakasama ko sa PBB house, sa mga go-see kasi we don’t get to see each other ulit,” kwento ni Kisses.
 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

One of the most magical nights of my life. ✨ And behind all the magic is the hardwork of a successful team! 💖 Thanks to my manager @captainluz for being supportive and for always believing in me! I owe to you so much of these blessings! Thanks to my designer @francislibiran8 who made this intricately sewed & embellished custom mullet gown with so much passion and for believing that I can carry it well! You're a genius & I feel honored! Thanks to the @francislibiran team for all the patience & hardwork up to the smallest details! I suddenly miss our fittings! Thanks to my glam team: My loving stylist/ supportive ate @vanmercado, and my makeup artist @emandeleonmakeup & my hair stylist @jaymarlahaylahay who always does their best! Thanks to my kuya Deo of @tesserajewelry for customizing diamond earrings for me! Thanks to my gwapo kuya @victorharryx for all the support and for all the beautiful stories & lessons I learned along the way! And of course... Thanks to my mom & dad for being my source of inspiration & strength! All the "magic" of today won't last forever. But having you in my life is the best magic I have ever been given. I hope I made you proud. To Star Magic who gave all of us this opportunity, thank you! To Mr. Johnny Manahan, thank you for being the father of Star Magic! To my dearest supporters, this is all for you! 💖💖💖

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on


 
Maaalalang nanalong Best Dressed si Kisses sa Star Magic Ball 2017. Kwento niya, masyado raw kasing ginalingan ng Francis Libiran team at halos nakatatlong fitting sila noon.
 
“Super happy siya (Francis Libiran) na nanalo (kami) ng Best Dressed. Well, ginalingan din naman kasi. Nakatatlong fitting kami, grabe ang galing nila sobra.”

 

 

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Currently writing a book

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on


 
Bukod sa darating na ABS-CBN Ball, excited na rin si Kisses dahil sa paparating na Metro Manila Film Festival movie entry nila na Fantastica. Kwento niya, pinaka-excited siya sa movie float.
 
“First movie ko rin ito na MMFF. Grabe, excited na ako sa float. Sabi nila sa’kin, ‘Hindi ka makakapag bakasyon ah, kasi December nagpopromote kayo.’ Sabi ko, ‘Okay lang kasi sasakay sa float,’” natutuwang sinabi ni Kisses.