Sino ang date ni Piolo Pascual sa ABS-CBN Ball?

Marami pa din ang nag-aabang kung sino ang makaka-date ni Piolo Pascual sa darating na Ball ngayong Sabado.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/26/2018 9:51 AM
Sino ang date ni Piolo Pascual sa ABS-CBN Ball?


 

Inaabangan kung sino ang makaka-date ng Ultimate Hunk na si Piolo Pascual sa nalalapit na ABS-CBN Ball. Marami ang curious makita kung sino ang makakasama niya on that special night na gathering ng naglalakihang bituin sa showbiz.

“Traditionally naman, I’m with…,” bitin niyang pahayag. “Mahirap kasi pag nagsasalita ka tapos it’s taken out of context so, siguro, kasama ko si… yung anak ko (Inigo),” pabiro at natatawa niyang pahayag sa press na umatend ng presscon para sa 10th year celebration of SunPiology held at the Novotel in Quezon City.

Patuloy pa niya sa tonong nagbibiro, “So, kung sino man ang kasama ko afterwards, bahala na si Batman. Pero there’s a tradition that we do every year, but let’s cross the bridge when it’s built.”

Eh, bakit nga ba hindi niya maamin na si Shaina Magdayao ang makaka-date niya sa ABS-CBN Ball?

“Bina-bash kasi ako pag nagsasalita ako about Shai (tawag niya kay Shaina) so, ayoko na lang magsalita, bahala na. Ang dami kong nakukuha sa Instagram. Masakit magsalita, baka pumatol ako, eh, kaya ayoko na lang magsalita,” rason ng aktor.

Paano ba niya hina-handle ang mga bashers?

Sagot niya, “Pinagdadasal ko sila para tumahimik sila.”

Hindi rin daw maiwasan na minsan ay sumasagot siya pero agad niya rin naman daw itong dini-delete.

“Kasi minsan, masasaktuhan ka na wala ka sa mood, eh. Eh ‘yung family ko, diretso sagot agad, so pag nai-stress ako sa kanila, so pag sumagot ako, pag nasilihan na ‘yun, even the fans also. So, huwag na lang. So, dasal, ayun lang,” sambit pa niya.

Samantala, masaya si PJ (palayaw ni Piolo) na nasa ika-10 taon na ang SunPiology na isang charity sporting event ng Sun Life.

“It’s not something you ask for—to be partners with a brand na talagang who believes in the same cause, it’s definitely a blessing for me.

“Since they believe in my advocacy, mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob to help more people and use my platform, to be able to use my influence and just share whatever you have,” pahayag niya.

Tatlong events ang puwedeng salihan sa SunPIOLOgy this year kaya tinawag itong SunPIOLOgy Trio. Ang tatlong events ay ang Sun Cycle PH on November 17 at Bonifacio Global City, Sun Life Resolution and Sun Vs. Stars with Star Magic na gaganapin on January 26, 2019 at Camp Aguinaldo.

Sa mga interesadong mag-participate sa SunPIOLOgy Trio, registration is now open at www.sunpiology.com.