• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual on Sheron Dayoc’s resignation from Marawi movie: 'There were creative differences'

Piolo Pascual on Sheron Dayoc’s resignation from Marawi movie: 'There were creative differences'

Ipinaliwanag ni Piolo Pascual ang dahilan ng pagbitiw ni Sheron Dayoc bilang direktor sa pelikulang Citizen of the Lake.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/26/2018 2:51 PM
Piolo Pascual on Sheron Dayoc’s resignation from Marawi movie: 'There were creative differences'


 

Bilang isa sa mga producers mula sa Spring Films, nagsalita si Piolo Pascual tungkol sa kamakailang pagbitiw ni Sheron Dayoc bilang direktor ng pelikulang Children of The Lake. Sa interview ng press mula sa event ni Piolo para sa Mega Sardines noong September 24, nilinaw niya na ang dahilan ng resignation ni Sheron ay ‘creative differences.’

"We've known it. There were creative differences. It's sad of course. But what can we do? We can not focus on that. We have to focus on the film," sabi ni Piolo.

Ayon pa sa aktor, hindi ang pag-alis ni Sheron ang naka-apekto sa delay ng pelikula, kundi ang pagre-revise ng scripts, mahigpit na schedule at delikadong lugar sa Marawi. “Schedules, script and all, logistics. And as I've said before, we were not allowed to shoot for a month because there were still IEDs that were undiscovered. So, safety-wise, we were advised by the AFP not to shoot. So, we had to wait. Good thing for us because we're working on the script.

“So even if our director is not with the group anymore, we never stopped. Actually in October we are shooting already.” dagdag ni Piolo.

Noong nakaraang linggo, ibinalita sa Facebook ni Sheron Dayoc ang kanyang resignation sa nasabing movie project, dahil sa ‘different perspective’ nang dapat na pagku-kwento ng kalagayan ng Marawi City. 

READ: Director Sheron Dayoc resigns from Piolo Pascual-Robin Padilla Marawi film

Ibinalita rin ni Piolo na sasaluhin ni Bb. Joyce Bernal ang pagdi-direk sa pelikula, habang naghahanap pa sila ng isang direktor na taga-Mindanao rin. “Direk Joyce Bernal is taking over. 

“We might get another director because it is a daunting task to shoot in Marawi so she might share a directorial job with somebody else, maybe somebody from Mindanao as well,” ayon pa kay Piolo.

Ang Children of The Lake ay base sa limang buwang giyera sa Marawi noong 2017. 

READ: Marawi movie project, tuloy na tuloy na