• Home
  • Fresh Scoops
  • Lea Salonga, bukas sa posibilidad na makatrabaho muli si Aga Muhlach

Lea Salonga, bukas sa posibilidad na makatrabaho muli si Aga Muhlach

Lea Salonga says she and Aga Muhlach have talked about reuniting onscreen soon.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/26/2018 3:10 PM
Lea Salonga, bukas sa posibilidad na makatrabaho muli si Aga Muhlach


Photo credit: @msleasalonga on IG

 

Masayang ibinahagi ni Lea Salonga sa press conference ng kanyang paparating na 40th showbiz anniversary na napag-uusapan nila ni Aga Muhlach na magkatrabahong muli.

“It’s a conversation he and I have been having for the last 10 years, since my 30th anniversary,” ani Lea.

Dagdag pa ng Broadway star, magkakaroon naman daw sila ng reunion movie ni Aga kung may darating na ‘tamang script’ para sa kanila.

Gayunpaman, sunud-sunod naman ngayon ang pagbabalik ni Aga sa big screen at ikinatuwa naman ito ni Lea.

“Now is his momentum. He’s acting and looks fantastic on film. Pumayat. Well, he will always be him.”

Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “Sana Maulit Muli” at “Bakit Labis Kitang Mahal.”