Jon Lucas shares the the best thing about married life

Jon Lucas: ‘Buti na bata pa ako nameet ko na ang asawa ko.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/26/2018 9:18 AM
Jon Lucas shares the the best thing about married life


Photo credit: @lucas_aljhon (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si dating Hashtag Jon Lucas tungkol sa buhay niyang may asawa. Sa October 25 na diumano ang anniversary niya at ang kanyang misis na si Shy Feras. Ayon kay Jon ise-celebrate nila ang okasyon, “siguro sa kama lang. Magyayakapan sa kama. Breakfast in bed. Lunch in bed tapos sa gabi kwentuhan.”

Touchy din daw siya bilang partner. “Gusto ko lagi ko siya niyayakap.”

Ang best thing naman sa pagiging married, ayon kay Jon ay, “siguro sa panahon ng kalungkutan meron kang nasasabihan ng mga problema mo. Tapos may nakakatulong din sa ’yo kung paano mo ‘to malalampasan.”

Wala pa rin daw pangit na karanasan si Jon sa kanyang married life. “Sa ngayon wala pa naman akong masasabi na dapat hindi muna ako kinasal. Sa mga nararanasan ko nang nakaraang araw, laging kong pinagpapasalamat nga na buti na bata pa ako nameet ko na ang asawa ko.” 

Sa tanong naman na sex and chocolates, ang sagot ni Jon ay, “ngayong kasal na ako, sex!”