• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban answers why she is good friends with Carlo Aquino despite being ex-lovers

Angelica Panganiban answers why she is good friends with Carlo Aquino despite being ex-lovers

Ibinahagi din ni Carlo Aquino ang tulang sinulat ni Angelica Panganiban noong bagong hiwalay sila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/26/2018 3:03 PM
Angelica Panganiban answers why she is good friends with Carlo Aquino despite being ex-lovers


 

Sa September 26 episode ng Magandang Buhay, nakasama ng mga momshie hosts ang dating magkarelasyon na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Naitanong nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa dalawa, kung paano sila naging magkaibigan ulit.

Sagot ni Carlo, “Depende kung ang ex mo parang si Angelica Panganiban. Kasi grabe (siya) magpatawad. Sabi ko nga sobra yung pagmamahal sa puso niya e. Tsaka hindi lang ako ang napatawad niya.“ 

Para naman kay Angelica,“Kelangan siguro mapatawad mo sarili mo muna palagi. Para hindi mabubuo sa galit. 

“Hindi lang para sa ex boyfriends, sa lahat ng ex mo sa buhay. Kelangan inaadmit mo palagi na may pagkakamali ka din. Para hindi nabubuo sa galit yung paningin mo sa kanya, hindi lang dun iikot.” dagdag pa niya.

Sa parehong episode, ipinakita ni Carlo ang natagong personal na journal ni Angelica noon. Binasa rin niya ang isang tula na sulat ng aktres noong bago pa lang silang magkahiwalay. 

“Love is my nightmare.

Love is my tears.

Love is my pain. 

Love doesn’t exist. 

My love died.” basa ni Carlo Aquino.

Naging trending sa social media ngayon ang guesting din ng CarGel sa late night show na Gandang Gabi Vice, na kung saan sinabi silang mahal pa rin nila ang isa’t-isa. Sa nasabing GGV guesting din unang inamin ng dalawa ang dahilan ng hiwalayan noon. 

READ: Angelica Panganiban, naluha nang mag-sorry sa kanya si Carlo Aquino

Showing na sa mga sinehan ngayong araw ang reunion movie ng dalawa na Exes Baggage i-dinirek ni Dan Villegas