Marian Rivera announces second pregnancy

Masayang ibinalita ni Marian Rivera na masusundan na ang anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/25/2018 5:08 PM
Marian Rivera announces second pregnancy


Photo credit: @marianriver on IG

 

Pormal nang inanunsyo ng aktres na si Marian Rivera ang kanyang pangalawang pagbubuntis. 

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Marian ang masayang balita tungkol sa pangalawang baby nila ni Dingdong Dantes.

 

“My hearts overflows with gratitude and humility, Dong and I with Zia have been gifted with miracle of life. Looking forward to meeting our ‘little one’ soon” pahayag ni Marian sa kanyang post.

Kamakailan, umugong ang balita sa muling pagdadalang tao ni Marian matapos itong magpa-putol ng kanyang buhok.

 

2015 ng isilang ni Marian ang unang anak na si Maria Letizia Dantes.