• Home
  • Fresh Scoops
  • KathNiel fans dumagsa sa ‘The Hows of Us’ premiere sa Vietnam

KathNiel fans dumagsa sa ‘The Hows of Us’ premiere sa Vietnam

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/25/2018 9:20 AM
KathNiel fans dumagsa sa ‘The Hows of Us’ premiere sa Vietnam


Photo credit: @starcinema on IG

 

Matapos ang naganap na special screening ng pelikulang The Hows Of Us sa Jakarta, Indonesia, lumipad agad sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Ho Chi Minh City, Vietnam para sa pagpapatuloy ng international screenings ng kanilang pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

More photos from #TheHowsOfUsVietnam premiere screening yesterday! 💙

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

Dito, tatlong sinehan sa BHD Cinemas ang napuno ng mga supporters ng dalawang Kapamilya stars sa Vietnam.

Hindi naman nakapagpigil ang fans na magbigay mensahe matapos mapanuod ang pelikula.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you for supporting #TheHowsOfUs all the way from Vietnam! 💙 #TheHowsOfUsVietnam

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

Bago pa man ang naging pagbisita nina Kathryn at Daniel sa Ho Chi Minh City, una nang binigyang pagkilala ang dalawa bilang Favorite Foreign TV Actress and Actor sa Blue Star Award Face of the Year Awards ng Vietnam.

Kaya naman, hindi na din pinalagpas ng kanilang fans sa Vietnam ang pagkakataon na mapanuod ang pelikula kasama ang kanilang idolo.

Matapos ang sunod-sunod na international screenings na dinaluhan ng KathNiel, inaasahan na mas tataas pa ang kita ng pelikula na lagpas na ngayon sa P600 milyon.